— Wynona —
“Dati, puwede bang kumuha na lang ako ng condo?” tanong ko kay dad habang kumakain kami ngayon ng breakfast.Npatingin siya sa 'kin at tinaasan ako ng dalawang kilay. “Kauuwi mo lang from London, iiwan mo na agad ulit ako ritong mag-isa?” mahinang tanong niya at bumalik sa pagkain.
Napangiti ako saglit at umiling. “Dad, araw-araw naman po kitang dadalawin, pati sa kompanya,” sagot ko. “Sorry, dad, kung—”
“No, it's okay,” agad na sabi niya at ngumiti sa akin. “It's okay, sweety. I'm fine, tsaka sabi mo naman ay everyday mo akong dadalawin, right?” Napatango ako. “Then, go. Gamitin mo na ang condo unit ko malapit sa company para madalaw mo ako agad.”
Tumango-tango ako at ngumiti saglit. “Thank you, dad. Pupunta ako ro'n mamaya.”
“Always welcome, anak. Anyway, how about your husband? Okay na ba kayo?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at napailing na lang. “I guess, no. Mugto na naman 'yang mga mata mo.”
I heaved a sigh. Hindi ako nagsalita at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Sasabay ako kay dad mamaya pagpasok niya sa trabaho para mapuntahan ko na rin ang condo.
Habang nag-aayos na ako ng sarili ko, tinawagan ko si Azzile para masamahan niya rin ako.
“Wynona, I'm sorry kung hindi kita napuntahan kahapon,” bungad niya sa akin.
“It's okay, Azzile. Ngayon mo na lang ako samahan. Pupuntahan ko 'yung condo na ipapagamit sa 'kin ni daddy,” sagot ko at napatingin sa pinto nang bumukas ito.
Pumasok ang isang maid kaya itinuro ko sa kaniya ang dalawang maleta ko. Pinatawag ko siya para maibaba na ang mga dala ko.
“Alright, saan tayo magkikita?”
“I'll send you the address na lang. Kung gusto mo pala, isama mo na rin si baby Zileren. Gusto ko siyang makita,” tugon ko at tumingin sa salamin.
Inayos ko ang fitted jeans ko at suot na simpleng v-neck shirt. Nakakatamad maghalungkat ng mga damit kaya ito na lang.
“Sure, sure! Wala rin kasi si Aren, so walang mag-babantay kay baby kaya isasama ko na lang.”
Napangiti ako sa sagot niya at nagpaalam na. Ilalapag ko na sana ang phone pero nakatanggap agad ako ng isang tawag.
Si Darwin.
Napabuntong hininga ako at tiningnan muli ang sarili ko sa salamin. Naalala ko kasi ang nangyari sa park. Matapos niyon ay tinakbuhan ko siya at iniwan doon.
Kahit matagal na ang tungkol sa amin, parang nagi-guilty pa rin ako sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya nang hindi siya pinapakinggan.
Hindi ko sinagot ang tawag niya pero text naman ang sunod niyang ginawa.
“Wynona, I'm sorry. Sorry sa pagbura ko ng pictures n'yo. I'm sorry if I'm being so selfish.”
Napapikit na lang ako at binato ang cellphone sa kama. Bumalik na naman ang inis ko sa kaniya.
Fuck him. Memories din ni Aren ang pictures namin. Ang dami-dami niyon, pictures namin while traveling, wedding pictures, epic and stolens, at kung ano-ano pa.
Damn, damn talaga!
Huminga ako nang malalim. “Calm down, Wynona,” kausap ko sa sarili ko sa salamin. “May marriage certificate ka pang maipapakita.”
![](https://img.wattpad.com/cover/178565690-288-k531479.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...