— Acer —
“Where's Cally?” I asked as I woke up.
Nandito sina Mom and Stella sa hospital kung nasaan ako ngayon. Hindi na ako nagulat dahil naalala ko ang aksidenteng nangyari.
“Y-You are asking where's Cally?” naniniguradong tanong ni mom at nagkatinginan pa sila ng pinsan ko.
I nodded.
Akala ko mamamatay na ako. Gusto kong makita si Cally. Si mom at siya lang ang tanging naging babae sa buhay ko kaya gusto ko siyang makasama ulit. Ayokong sayangin na ang bawat oras ng buhay ko.
“Mom, where is she?” I repeated.
“S-Stella, call your Ate Cally,” utos niya agad sa pinsan ko.
Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. “Ano'ng sabi ng doctor?” I asked, saktong pumasok ang isang doctor.
“Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?”
I gulped when I felt something wrong with me. I couldn't explain what is it.
“I-I'm okay,” tipid kong sagot.
“Mrs. Zaldes, malaki ang damage sa ulo na natamo ng anak mo sa car accident. Ano ba'ng naging actions niya no'ng nagising siya?” baling nito kay mom.
Tumingin muna sa akin si mom. “Acer, why are you looking for Stella?”
“Because I still love her. I went to London to move on from her but mom, it's still her.”
Before I went to London, Cally broke up with me. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa memory ko 'yon lalong lalo na ang pagiging masaya ng relationship namin noon. Ayoko naman talagang pumayag na makipaghiwalay pero wala na akong nagawa.
Siya lang ang una at huling babaeng minahal ko. Akala ko mamamatay na ako at baka maulit na naman 'to kaya gusto kong magkaayos na kami.
Humarap si mom sa doctor. “Doc, can we talk outside?”
Sumunod na lang ang doctor sa kaniya.
—————
Sobra akong naguluhan nang may babaeng lumapit sa 'kin at sinasabing asawa ko siya. No, wala akong maalalang may asawa ako. At sa London pa? Hindi, wala akong babae ro'n. Si Azzile lang na kapitbahay ko ang tanging babaeng kilala ko ro'n. Wala akong ibang kasamang babae sa bahay kaya paano ako nagkaroon ng asawa?
Hindi ako tinigilan ni Wynona at may parte sa akin na gusto kong maniwala sa kaniya pero pilit ko pa ring pinapaniwalaan na si Cally lang talaga ang naging babae ko.
“Doc, totoo bang nagka-amnesia ako noong naaksidente ako?” tanong ko sa naging doctor ko noon.
I want to confirm it.
Napatitig siya sa 'kin saglit. May katagalan ang pananahimik niya kaya kumunot ang noo ko.
“N-No, Mr. Zaldes. Wala kang gano'ng kondisyon. Sugat lang sa ulo ang natamo mo noong naaksidente ka. Nothing to worry about, okay?” sa wakas ay sagot niya at agad na umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...