Chapter 11: More

8.7K 193 2
                                    

— Wynona —


    “Tita Chessa, lumabas ka diyan!” buong lakas na sigaw ko habang tinutulak-tulak 'tong mga guard na humaharang sa 'kin. “Ilabas n'yo 'yang magaling n'yong amo!” nanlalaki matang sigaw ko rin sa dalawang guard. “Ano ba? Bitiwan mo 'ko! Humanda sa 'kin 'yang babaeng 'yan, kahit pa nanay siya ng asawa ko!”

    Wala akong pake kung bastos ako sa nanay ng asawa ko pero kung siya naman ang dahilan kung bakit kami nahihirapan ni Acer, hinding hindi ko talaga siya rerespetuhin! Ang kapal ng mukha niya kung gano'n!

    “What's wrong with here?”

    Sunod-sunod akong huminga nang malalim at tinulak nang malakas palayo ang mga guard nang nakita ko na si Tita Chessa.

    “Ano'ng sinasabi mo kay Acer, ha?” mariing tanong ko.

    Kumunot ang noo niya at maarteng naglakad palapit sa akin. Ibinigay niya pa muna ang bag niya sa isang maid.

    “What are you talking about?” she asked as if she was cluesless.

    “You are probably brainwashing him! Sinisiraan mo siguro ako sa kaniya kaya ayaw niyang maniwala sa akin!” nanggagalaiting sigaw ko habang dinuduro siya dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa 'tong inis ko.

    Hirap na hirap na 'ko kay Acer tapos dinadagdagan pa nila!

    Napangisi siya at umiling-iling sa akin. “Dear, dear, dear, you're too scandalous.”

    Napamaang ako at inilingan din siya. “Because you are building a hard barrier between me and your son, which is my husband! Tita Chessa, my husband!”

    “Wynona, asawa ka lang, ina pa rin ako—”

    “And?” agad na putol ko sa sasabihin niya. “And you think you have all the rights para manghimasok sa relasyon naming dapat inaayos na namin pero ginagawan mo ng balakid? No, Tita Chessa, if you can't accept me as his wife then fine! I don't care. Ang sa akin lang, hindi na dapat kayo nakikialam dahil siguro naman alam mong ako talaga ang mahal ng anak mo!”

    Halos hingalin ako sa sunod-sunod na sigaw ko. Natigilan naman siya at matagal na hindi nakasagot kaya nagkatitigan kami nang masama.

    “How thick your face to say that to me?” mariin at nanginginig niyang tanong. Mas lumapit pa siya sa 'kin. “Paano kita matatanggap kung ganiyan ang ugali mo? You don't deserve my son!”

    Nagtiim bagang ako at lumapit din sa kaniya. Halos magdikit na nga ang mga katawan namin.

    “Oo, ganito ang ugali ko sa mga taong kasamaan din ng ugali ang pinapakita sa akin.” Inismiran ko siya. “Pero, tita, wala ka nang magagawa. Mag-asawa na kami. Kasal na, may papeles!”

    “So?” Tinalikuran niya ako at taas kilay na nag-cross arm pagkaharap ulit sa 'kin. “Hindi mo naman talaga mahal ang anak ko dahil gusto mo lang siyang gamitin, may pinaplano lang kayo!”

    Napakurap ako at nagkunot noo. Naguluhan ako sa sinabi niya pero naalala kong ganito rin ang sinabi ni Acer sa 'kin kanina.

    “Ano? Sabi ko na nga ba, bini-brainwash mo si Acer!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Sa tingin mo ba matutuwa pa sa 'yo si Acer kapag nalaman niya 'tong mga ginagawa mo?”

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon