- Wynona -
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Hindi niya na ako tiningnan muli sa huling sandali bago niya 'ko tinalikuran at naglakad papasok. Napahinga ako nang malalim at yumuko.
Hinayaan kong umagos ang mga luha ko. Sobra na 'yung kirot na nadarama ko. Wala na akong nagawa kun'di sumakay sa motor ko at paandarin ito.
Bakit gano'n? Kung tingnan niya ako ay parang wala na talaga siyang nararamdaman sa 'kin. Bakit ayaw niyang maniwala?
Huminto ako sa isang park na malapit lang sa bahay namin. Walang tao rito at may mga fireworks pa rin kaya nanatiling maingay ang paligid. Hindi naman madilim dahil may mga bukas na ilaw.
Umupo ako sa isang sementadong upuan at yumuko.
Inilabas kong muli ang cellphone ko at pumunta sa gallery. Naiyak na naman ako dahil wala na talaga ang pictures namin. Kahit isang picture ay wala akong makita. Nasaan na? Ano'ng nangyari?
Napamura ako nang paulit-ulit at sinipa ang batong nasa harap ko. Ibabato ko na sana ang nakakagagong cellphone na ito pero pinigilan ko ang sarili ko't nilapag na lang 'yon sa gilid. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay.
Tahimik akong umiyak habang iniisip kung ano nang ginagawa nila Acer ngayon.
Napatigil lang ako nang nag-ring ang phone ko. Si Azzile ang tumatawag. Pinunasan ko ang mga mata ko at suminghot bago sinagot 'yon.
"Wynona, Happy New Year! Kumusta naman?" bati at tanong niya na hindi ko nasagot agad. "Sorry ngayon lang me nakatawag, Ang dami kasing nangyari dito. Nakausap ko na ulit sila mama at papa kaso si Elizza parang may galit sa 'kin, e."
Bumuntong hininga ako at yumuko. "Hindi rin m-magtatagal ang galit ng kambal mo sa 'yo, don't worry," mahina kong sagot. Ayokong ipahalatang umiiyak ako kaso napasinghot ako.
"U-Umiiyak ka ba? Ano palang nangyari? 'Musta si Acer?" sunod-sunod na tanong niya.
Umiling ako at nagsisimula na namang maiyak. Hinilot ko ang sentido ko at tumingin sa malayo. "Hindi niya ako maalala, Azzile. 'Tang ina, pinagtatabuyan niya ako sa tuwing nagkikita kami. The worst thing is, ang kilala niya ay ang ex-girlfriend niya at magkasama sila ngayon." Napasabunot na naman ako sa sarili ko nang maalala ko silang dalawa.
"Hala . . ." Saglit siyang tumigil at nanahimik. "Parang alam ko 'yang sakit na 'yan. May workmate ako dati na nagkaroon din ng amnesia pero isang tao lang ang nakalimutan niya." Tumango-tango na lang ako. "Taon din ang inabot bago niya naalala ang taong 'yon. Pero rare lang naman ang case na year bago makaalala, kaya huwag kang mag-alala. Hindi naman siguro magtatagal ang amnesia ni Acer."
Suminghap ako at tumango-tango muli. "S-Sana nga, Azzile. S-Sana nga, kasi hindi ko kaya, e. Sobrang sakit. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon pero ang sakit-sakit talaga."
Simula pa lang ito, Wynona. Oo nga, e. Simula pa lang pero parang milyon-milyon na ang sakit. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?
"Magtiwala ka lang. Maalala ka ni Acer kung gugustuhin niyang alalahanin ka, 'di ba? Hahayaan ka niyang ipaalala sa kaniya kung sino ka kung gusto niya talaga."
Pagak akong natawa at umiling nang maraming beses.
So, hindi niya gustong alalahanin ako? Kasi pilit ko namang sinasabi sa kaniya kung sino ako sa buhay niya pero pinagtatabuyan niya pa rin ako!
"Hindi ko na alam, A-Azzile."
"Pupuntahan ka namin mamayang umaga, ha. Mag-iingat ka kung nasaan ka man."
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...