Chapter 22: Truth Hurts

12K 205 16
                                    

— Acer —

    “Sorry, Acer. Ayaw pa ring ipasabi ni Wynona kung nasaan siya. Maghintay ka na lang muna hanggang sa maging handa ulit siya.”

    Naibaba ko ang cellphone dahil sa sinabi ni Azzile. Ipinatong ko ang ulo ko sa table at pumikit.

    “Hijo, umakyat ka na't matulog,” rinig kong sabi ni Manang Ester.

    Hindi ko siya sinunod, nanatili ako rito sa kitchen. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom na araw-araw ko na lang ginagawa.

    “Nako, padating na ang mommy mo. Mag-aaway na naman kayo niyan,” dugtong niya pa na ikinailing ko lang.

    Tinitigan ko ang phone kung saan katawagan ko si Azzile kanina para humingi ng balita. Napabuntong hininga ako at uminom ng isa pang shot.

    Ito naman ang gusto ni Wynona, 'di ba? Ang tanggapin ko na siya, lapitan, at piliin siya. Pero bakit ngayong pinipili ko nang paniwalaan ang puso ko, ayaw niyang magpahanap? Naiintindihan kong pagod na siya pero hindi ba siya natutuwang gusto ko na siyang makasama ngayon?

    “Manang, bakit kailangan pang patagalin? Bakit hindi na lang agad-agad, 'di ba? Para naman makabawi na 'ko sa lahat ng kasalanan ko sa kaniya,” pagkausap ko kay manang.

    Natigilan siya sa pagpupunas sa lababo. Itinabi niya ang basahan at naglakad palapit sa 'kin.

    “Hijo, hindi ko alam ang buong pinagdadaanan mo pero ito lang ang masasabi ko . . .” Tumigil siya saglit nang magsalin na naman ako ng alak sa baso. “Maaraming bagay na hindi talaga agad-agad nangyayari, alam mo kung bakit?”

    Umiling ako at uminom. “Hindi, bakit nga ba?” sagot at tanong ko pagkalunok ko.

    Ngumiti siya. “Dahil pinaghihirapan ito.” Tinapik niya ang balikat ko. “Kung gusto mong makuha agad, bakit nakaupo ka lang diyan at nag-iinom? Aba'y, kumilos ka, hijo.”

    Napasimangot ako at umiling. Nagsalin pa ulit ako at tinitigan muna ang alak.

    Mahina akong natawa.

    Tama, pinaghihirapan, kagaya ng ginawa ni Wynona. Pinaghirapan niya 'kong kunin. Kaso nga lang, nahuli ako, naiwan.

    “Pero ano'ng gagawin ko, manang? Hinahanap ko naman siya, ha? Siya ang hindi nagpapahanap sa 'kin dahil ang sabi ng mga kaibigan niya, gusto niyang magkaroon muna ng panahon para sa sarili niya naman. Sabi nila, maghintay lang daw ako. Kailangan kong paghirapan, 'di ba? Bakit maghihintay lang ako?”

    Natigilan si Manang. Hinila niya ang isang upuan para umupo ro'n. Sa sobrang tahimik ng paligid ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

    “Gano'n naman pala ang sitwasyon, e,” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan. “Binigyan ka naman pala ng kasiguraduhan na puwede kang maghintay, edi maghintay ka na lang.”

    I tsked. “Ang gulo mo naman manang, e. Sabi mo kanina, dapat pinaghihirapan, ngayon naman ay maghintay na lang ako. Puwede ba 'yon? 'Yung tutunganga lang ako rito at wala nang gagawin para hanapin siya?”

    Natawa siya nang mahina. Natawa pa talaga samantalang ako rito ay nalulugmok na dahil miss na miss ko na si Wynona.

    “Hijo, hindi ka na bata, alam mo 'yan.” Napatango ako. “Sigurado akong mas matutuwa siya kung rerespetuhin mo ang desisyon niya at gagawin ang gusto niya.”

    I sighed and nodded.

    Nakakainis kasi, e. Ayaw niyang magpahanap, hindi ko maiwasang isipin na baka tinatakasan niya lang ako dahil talagang nabuntis siya ng iba.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon