Chapter 19: False

11K 231 10
                                    

— Acer —

    “Kay Cally ba 'to?”

    Hanggang ngayon ag naririnig ko pa rin ang tanong na 'yon ni Wynona. Ilang araw na ang lumipas simula noong huling pagkikita namin. Hindi ko na siya mahagilap ulit.

    Tinitigan ko ang PT'ng hawak ko.

    Oo, kay Cally nga ito.

    Napapabuntong hininga akong sumandal sa swivel chair at inikot ito. Kaharap ko na ngayon ang salaming dingding ng opisina ko kung saan nakikita ko mula rito ang labas.

    Itinaas ko ang kamay ko para tingnan muli ang PT.

    Umiling ako habang ginagawa 'yon.

    “Honey!”

    Mabilis kong naibaba ang kamay ko at itinago sa bulsa ang PT nang narinig ko si Cally. Napaharap agad ako sa kaniya. Kapapasok niya lang.

    Tipid siyang ngumiti. “I'm here to personally apologize to you, hon.”

    My eyebrows furrowed. “Apologize for what?”

    “Hindi kasi ako makakasama sa family dinner natin sa bahay n'yo. May importante kasi akong pupuntahan,” sagot niya at naglakad palapit sa akin. “I'm sorry, babawi ako next time, okay?”

    Lumapit ang mukha niya para halikan ako ngunit sa pisngi lang 'yon. Ngumiti ulit siya at nagsimula nang maglakad palabas.

    Hindi man lang hinintay ang sasabihin ko.

    Mabilis akong tumayo at kinuha ang coat ko. Lumabas akong sinusuot 'yon para sundan siya. Sa hagdan na ako dumaan dahil nagamit na niya ang elevator.

    Nakakapagod sa hagdan at naaalala ko lang dito ang ginawa kong paghabol kay Wynona. Nanghina talaga ako no'ng mga oras na 'yon dahil naabutan ko na namang kasama niya si Darwin.

    I heaved a sigh. Saktong pagbaba ko ay nakita ko si Cally na palabas na. Umikot ako para puntahan ang kotse ko sa parking. Sinundan ko ang sasakyan niya.

    Tumigil ang sasakyan niya sa isang restaurant. Kumunot ang noo ko at hindi muna sumunod doon para hindi niya ako mapansin. Nagpasya akong mag-park sa ibang lot bago sumunod doon.    

    Pumasok ako sa loob at hinanap siya. Hindi nagtagal ay nakita ko rin agad siya.

    Umayos ako ng tayo habang nakatanaw sa kaniya.

    Nandoon siya sa isang table, kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Pareho silang nakangiti sa isa't isa. Halata ang saya sa mga mukha at mata nila habang umo-order sa isang waiter.

    Napatango-tango ako habang pinapanood ang dalawa. Aalis na sana ako pero gumalaw ang lalaki para tumayo.

    Akala ko aalis siya, 'yun pala'y dudukwang lang para halikan si Cally. Ngiting ngiti naman si Cally sa ginawa ng lalaking 'yon.
   
    Nagtiim bagang ako at naglakad na palabas. Bumalik ako sa kotse ko at malakas na sinarado ang pinto.

    Bakit nga ulit kami naghiwalay ni Cally noon? Dahil ang sabi niya, may iba na siyang mahal. So, sobrang tanga ko pala no'ng nakipagbalikan pa ako sa kaniya after one year kong pananatili sa London upang mag-move on sa kaniya.

    Akala ko kasi siya 'yung hinahanap ng puso ko no'ng panahong nasa hospital ako. Akala ko siya 'yon dahil siya lang ang babaeng nasa isip at alaala ko.

    Pero mukhang nagkamali ako.

    Napahampas ako sa manibela dahil sa katangahan ko.

    Ngayong harap-harapan kong nakitang niloloko niya ako, hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o ano. Basta ang alam ko, sa ego masakit. Sa ego.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon