Chapter 12: Near

8.4K 188 5
                                    

— Wynona —

    “Aren, oh? Bakit ka napatawag?” agad na tanong ko matapos sagutin ang phone call galing kay Aren.

    Kasalukuyan na 'kong naghahanda ngayon para sa pagpunta sa bahay nila Acer dahil birthday niya na. Isasama ko rin naman sina Azzile at Aren.

    “I have a good news, Wynona!”

    Napatigil ako sa ginagawa kong pagsusuot ng sapatos at umupo muna nang tuwid. “W-What good news?”

    “May nakita akong pictures n'yo ni Acer noong pumunta tayo sa Buckingham Palace. Naalala mo 'yung gala natin doon?”

    Napatango-tango ako nang maraming beses. “Oo, talaga, meron?”

    “Yes! So, susunduin ka na lang namin diyan sa condo mo at sabay-sabay tayong pumunta roon. Wait for us, okay?”

    Nakagat ko ang labi ko at napangiti. “Y-Yes, thank you.”

    Nayakap ko ang cellphone ko pagkatapos ng tawag namin. Huminga ako nang malalim at napahigpit ang hawak dito.

    Sana maniwala si Acer doon. Sana rin makilala niya sina Azzile at Aren. Please, sana maniwala na siya sa 'kin.

    Wala pang kalahating oras ay nakatanggap na ako ng text galing kay Azzile na nasa parking lot na raw sila at hihintayin na lang ako roon. Mabilis kong kinuha ang bag ko at siniguradong maayos na ang suot kong pantalon at pagkaka-tuck-in ng tee shirt ko.
   
    Nakarating agad ako sa parking lot at nahanap ang kotse nila. Sumakay ako sa back seat at ngumiti sa kanila.

    “Thank you talaga sa inyong dalawa. Sana talaga hindi na magdalawang isip na maniwala si Acer sa 'kin,” bungad ko sa kanilang dalawa.

    “Tiwala lang, Wynona.” Ngumiti si Azzile.
  
    Napansin ko namang hindi nila dala ang anak nila. “Nasaan si baby Zileren?”

    “Iniwan ko muna kina mama at papa. Hindi naman namin siya pwedeng isama dahil hindi rin natin alam ang mga pwedeng mangyari doon,” si Aren ang sumagot.

    Tumango-tango ako dahil tama naman siya. Napahinga ako nang malalim at sumandal. Nanahimik na kaming tatlo sa byahe habang itong puso ko ay hindi pa rin natatahimik sa sobrang bilis ng tibok.

    Kinakabahan lang ako sa pwedeng mangyari. Pero syempre, hinihiling ko na maging maganda ang kalalabasan nito.

    Ilang linggo nang wala si Acer sa 'kin at hirap na hirap na 'ko, hindi ko na kaya pa kung tatagal pa 'to.

    Tinuro ko kay Aren kung saan nakatira si Acer. Alam niya naman daw iyon kaya hindi na siya nahirapang pumunta roon.

    Inunahan ko na ang pagbaba nang huminto kami sa tapat ng bahay nila Acer. Naalerto agad ang mga guard at sinalubong kaming tatlo.

    “Sino po kayo? Ano'ng kailangan n'yo?” tanong ng isa at napatitig sa akin. “Ma'am! Ikaw na naman? Sinabihan kami ni Ma'am Chessa na huwag kang papapasukin dito.”

    Napasapo ako sa noo ko dahil sa ilang beses kong pagpunta rito, nakilala na talaga ako ng mga guard.

    “Nasa loob ba sina Acer at Tita Chessa?” tanong ko na pareho naman nilang ikinatango.

    “Oo, ma'am, pero may party pa po sa loob at hindi po kayo— Ma'am!”

    Napasigaw ang guard nang subukan kong buksan ang gate mula rito sa loob. Pinigilan nila ang kamay ko pero dahil sa kagustuhan kong makapasok, nasuntok ko ang isa sa mukha kaya napalayo siya. May isa pa kaya sinuntok ko na rin siya. Naipit pa nga ang kamay ko sa butas ng gate pero tagumpay ko namang nabuksan ito.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon