— Wynona —
“Damn!” napasigaw ako at sinipa ang paahan ng upuan dito sa kitchen.
Nakabalik na ako sa condo unit at ito, inis na inis habang tinititigan ang marriage certificate namin.
“Fucking edited? 'Tang ina ka, Acer.”
Napailing ako habang hinahagod ang sarili kong buhok.
Isa pa ang Cally na 'yon! Nakakainis na talaga. Hindi ko na alam kung ano pa bang puwede kong ipakita at sabihin kay Acer para lang paniwalaan niya ako.
Napaupo ako sa upuan at ibinalik sa loob ng envelope ang marriage certificate.
Hindi pa rin ako titigil, Acer. Kahit nakakapagod, hindi ako titigil. Sana alam mong may amnesia ka, 'di ba. Hindi niya ba alam? Kung alam niya man, dapat gugustuhin niyang maalala kung sino ako, 'di ba?
Napahampas na lang ako sa lamesa bago tumayo. Matutulog na lang ako.
Nagising akong gabi na at gutom na gutom. Hindi nga pala kasi ako nakakain ng lunch dahil kina Acer at Cally kanina. Kumain na lang ako saglit bago nagpasyang maligo at nagbihis ng white off-shoulder top na pinartneran ko ng black pants. Wala naman akong gagawin dito sa unit, boring. Kung mananatili ako rito, baka mabaliw lang ako kakaisip kay Acer.
Hindi pa nadadala ang motor ko rito kaya nag-taxi na lamang ako. Pumunta ako sa bar na lagi kong tinatambayan noon . . . kasama si Darwin.
Pagkarating na pagkarating ko ro'n ay inilibot ko muna ang paningin ko sa labas, inaalam kung ano ba'ng nagbago rito. Well, mas maayos na ang itsura nito ngayon, sobrang linis dito sa labas, wala talagang makikitang kalat. Maliwanag pa. Mukhang soundproof na rin dahil wala akong naririnig na ingay.
Pumasok ako sa loob at wala nang linga-lingang dumiretso sa counter.
“Dalawang margarita at isang bote ng champagne,” sabi ko sa bartender kaya napatingin ito sa 'kin. Nagtaas ako ng kilay nang hindi agad siya kumilos at nakatitig lang sa akin.“Ano na?”
“Ay, sorry po.” Kumilos na rin agad siya at may kinuha. “Ikaw lang po iinom ng mga 'to? Wala ka pong kasama, ma'am?”
Napangiwi ako sa tanong niya. “Bartender ka ba talaga o asawa ni Marites?”
Naitikom niya ang bibig niya at umiling. Napailing na lang din ako at nilibot ang paningin sa paligid para maghanap ng mauupuan.
“Puwedeng pakidala na lang doon?” sambit ko at itinuro ang bakanteng puwesto sa dulo na nakita ko.
Napatango-tango naman siya. “Sure, ma'am.”
Naglakad agad ako papunta ro'n. May mga babae pang nakakabangga sa akin dahil sa kaharutan nila pero hindi ko na lang pinansin dahil ayoko ng away.
Napakalakas ng music at nagkalat talaga ang mga tao. Noon pa man ay dinudumog na talaga ang bar na 'to.
“Hi, miss!”
Isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa harap ko habang nakangisi at may hawak na baso ng negroni. Ininom niya pa 'yon sa harap ko.
Umismid ako. “Tigilan mo ako, lason.”
Nilagpasan ko lang siya hanggang sa nakarating na 'ko table na nakita ko. Couch naman ang upuan kaya pabagsak akong umupo ro'n at sumandal.
Nadala rin agad dito ang binili kong mga alak. Inubos ko agad ang dalawang margarita. Sanay naman na ako rito kaya dere-deretso ko lang ininom ang mga 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/178565690-288-k531479.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...