Chapter 13: Denial

8.7K 208 10
                                    

— Wynona —

    Nakatingin lang ako sa likod ni Acer habang hinihila niya ako palabas. Bumaba rin ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin. I just smiled. Pakiramdam ko naniniwala na siya sa 'kin.

    “Sir! Sorry po, hindi namin sila napigilang pumasok,” paumanhin ng isang guard nang nakita nila kami.

    Napalingon sa akin si Acer nang kunot noo. “Did they hurt you?” tanong niya na ikinailing ko naman.

    “Sir, kami nga po sinaktan niyan e. Sinuntok ba naman kami,” sumbong ng isang guard habang lukot na lukot ang mukha.

    Napaiwas ako ng tingin at ngumuso. “Sorry, ayaw n'yo kasi kaming papasukin e,” sabi ko na lang.

    Hinila na 'ko ni Acer palabas. Hinarap niya 'ko sa kaniya at pinakatitigan ako. Hinagod niya pa ang basa kong ulo.

    “You're too wet.”

    Tumango ako. “Itulak ba naman ako sa pool, sinong hindi mababasa niyon?” pairap kong sagot nang maalala ko ang ginawa ng nanay niya.

    “Wynona, Acer!”

    Napalingon kami pareho ni Acer kina Azzile at Aren na sumunod pala sa amin. Agad na pumunta si Aren sa kotse niya at may kinuha sa loob. Jacket pala 'yon.

    Napakurap ako nang unahan ni Acer ang paglalagay niyon sa 'kin. Inagaw niya agad kay Aren ang jacket at siya ang nagpatong niyon sa balikat ko.

    “Umuwi na kayo.”

    Napalunok ako sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Azzile.

    “P-Pero Acer, naniniwala ka na ba sa 'kin?” umaasang tanong ko at kumapit sa braso niya. “Ang dami nang nagsasabi!”

    Huminga siya nang malalim at tiningnan lang sina Azzile at Aren. “Umuwi na kayo, okay? Take care.” Mahina niya pa 'kong tinulak papunta sa kanila.

    Teka, ano 'to? Bakit pinapauwi niya 'ko? Hindi pa rin ba siya naniniwala sa 'kin?

    “Acer naman! Hindi pa ba sapat sina Aren at Azzile para patunayan sa 'yo na asawa mo ako?” kunot noong tanong ko na ikinakagat labi niya lang.

    Umatras siya at humawak sa gate nila. “Wynona, huwag ka nang makulit. Go home!”

    Napahinga ako nang malalim at nagkuyom ng kamao. “Hindi ka pa rin nga naniniwala,” natatawang sambit ko. “Ano pa bang gusto mo?”

    Hindi siya nakasagot at nag-iwas lang ng tingin. Mabilis akong kumilos para lumuhod sa harap niya. Napaayos agad siya ng tayo at matalim akong tiningnan.

    “Please, maniwala ka naman sa 'kin!” halos nagmamakaawa na ang boses na sigaw ko sa kaniya.

    Napasapo siya sa noo niya at mabilis akong hinawakan para itayo. Sumunod na lang ako pero niyakap ko agad siya nang mahigpit.

    “Please, Acer!”

    Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Ang isang kamay niya ay naramdaman ko na rin sa likod ko.

    “Look, Wynona, let me confirm it by myself. Let's just talk on the other day. Go home and rest,” mahinahon niyang bulong pero umiling lang ako at sumiksik sa dibdib niya.

    “Acer, please, sumama ka na sa 'kin.”

    “I can't . . .”

    Dahan-dahan akong kumalas sa kaniya. Yumuko lang ako para hindi niya mapansing naiiyak na 'ko.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon