Chapter 26: Her Day

8.4K 164 0
                                    

— Wynona —

    “Mahal, Happy Birthday, gumising ka na! Hoy!”

    Napasapo ako sa mukha ko habang nakapikit pa rin at naririnig ang sigaw ni Acer. Umagang umaga, ang ingay niya!

    “Mahal, hey! Wake up na! It's your day!”

    Antok na atok pa ako kaya hindi ko pa rin siya pinansin. Kinuha ko lang ang isang unan at itinakip sa mukha ko.

    “Tulog mantika ka talaga!”

    Hanggang sa naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Inagaw niya ang unan at doon na 'ko napadilat. Ngumiti agad siya nang malapad at mabilis akong hinalikan.

   “Happy, happy birthday, mahal!” magiliw niyang bati sa akin kaya napangiti rin tuloy ako.

    “Thank you, mahal. I love you,” sagot ko at dahan-dahang umupo. Inalalayan niya naman ako.

    “I love you more.”

    Niyakap ko agad siya pero hindi gano'n kahigpit para hindi maipit ang tiyan ko.

    Dalawang linggo na ang nakalilipas simula noong umuwi kami rito sa Pilipinas. Hindi na talaga binalikan ni Acer ang bahay nila ng mommy niya. Mas pinili niyang bumili ng bahay namin para bumukod.

    Medyo malaki naman ang nabili niyang bahay. Kulay peach ito sa labas while black and white naman ang kulay rito sa loob. May second floor at pool area. Malawak din ang garden kaya tuwang tuwa akong mag-alaga ng mga halaman doon.

    “I cooked, mahal. Tara, baba na tayo,” sabi ni Acer at nauna nang bumaba mula sa kama. Inalalayan niya ulit akong tumayo.

    Bumaba kami at habang papalapit pa lang sa dining area, naaamoy ko na ang bango ng luto niya. Natakam agad ako at nakaramdaman ng gutom.

    Ipinaghila niya ako ng upuan bago niya nilagyan ng fried rice ang plate ko at lahat ng klase ng ulam na hinanda niya. Nagngitian lang kaming dalawa.

    Walang bago. Kahit hindi niya ako naaalala, gano'n pa rin siya ka-sweet, tulad ng dati.

    “Mahal, what if magpatingin ka ulit? Baka malaman na natin ang gender ni baby,” suggestion niya habang naghahanda naman ng pagkain niya.

    “Sure, mahal. That would be a great birthday gift for me.” I smiled. “And the best birthday gift I want to receive is the return of your memories of me.”

    Napansin kong naging pilit na lang ang pagngiti niya. Tumango-tango pa rin siya. “Yeah . . .” mahinang sambit niya.

    Kumunot tuloy ang noo ko. “Why?”

    Umiling siya at suminghap. “Sorry, mahal. I'm sorry kung napakatagal. Pinipilit ko namang makaalala pero wala.”

    Ngumiti lang ako at inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Mahal, remember, maghihintay tayo.”

    Ang sabi ng doctor noong nagpa-check up siya, ang ganitong amnesia raw ay tumatagal daw talaga nang linggo, buwan, at kahit taon pa. Sana hindi abutin ng taon ang pagkawala ng memorya niya.

   Matapos maming kainin ni Acer ang luto niya, pareho na kaming nag-ayos para sa pag-alis. Magpapa-ultrasound muna ako bago kami maghanda para sa 30th birthday ko.

    Habang nasa byahe ay tumawag si daddy. Binati niya ako. Sunod na tumawag si Azzile at binati nila akong dalawa ni Aren. Gano'n din si Darwin.

    Napangiti na lang ako at hinawakan ang isang kamay ni Acer. Napatingin tuloy siya sa akin saglit bago nagbalik tingin sa kalsada.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon