Chapter 23: Second

11.8K 209 8
                                    

— Wynona —

     Magtatatlong buwan na.

    Halos tatlong buwan na akong nandito sa London. Nililibang ang sarili ko sa maraming bagay katulad ng paghahalaman, pag-aalaga ng isda, at paggala-gala.

    Sa totoo lang, nami-miss ko na si Acer. Noong bumalik ako rito sa bahay namin, mas lalo ko siyang na-miss dahil nandito lahat ng memories namin.

    Dito kami nagkakilala, nagligawan, dito ako unang nabuntis pero nakunan, kinasal, at nagsama. Samantalang sa Pilipinas, sobra-sobra 'yung sakit na naranasan ko ro'n.

    Napabuntonghininga na lang ako at tumingin sa paligid nitong bahay. Ang bawat dingding ay mayroong mga litrato namin. Matagal na 'yang mga 'yan dito. Nandiyan ang wedding picture namin at pictures ng travel naming dalawa.

     Buti na lang may mga ganito pang picture ang natira sa amin.

    Tumayo ako at naglakad papasok sa kitchen. Naglabas ako ng mga gulay mula sa refrigerator para gumawa ng vegetable salad.

    Ang sabi kasi ng doctor ay maaaring maging maselan ulit ang pagbubuntis ko dahil nagkaroon na ako ng complications noon sa una kong pagbubuntis. May posibilidad na maulit daw ang pagkakunan ko at ayoko namang mangyari 'yon kaya sinusunod ko ang mga sinabi niyang magkaroon ako ng healthy life style at umiwas sa stressors.

    Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng salad nang mag-ring ang phone ko. Iniwanan ko muna saglit ang ginagawa ko para kunin sa living room ang cellphone.

    Sinagot ko ang tawag ni Azzile.“Yes, Azzile?”

    “W-Wynona, ano kasi . . .”

    Kumunot ang noo ko habang naglalakad na pabalik sa kitchen. “Ano?”

    “Alam na pala ni Acer kung nasaan ka,” pahina nang pahinang balita niya sa akin.

    Naitikom ko ang bibig ko at napaupo na lang. I gulped and looked down at my tummy.

    Alam na niya?

    “S-Sinong nagsabi sa kaniya?” tanging tanong ko.

    “Si Tito Nolan. Kahapon pa pala alam ni Acer. Nag-inuman yata silang dalawa.”

    Napakagat labi ako at tumango-tango.

    Sinabi na pala ni daddy. Ayos lang naman basta ba maganda ang sasabihin ni Acer sa 'kin, 'di ba?

    “Natahimik ka. Hindi ka pa ba handa?” tanong ni Azzile matapos kong hindi sumagot kanina. “Patatagalin mo pa ba? Hinahanap ka na ni Acer, oh. Ito na 'yung gusto mong mangyari. Tsaka sinabi ko na sa 'yo 'di ba, ang sabi niya'y hindi niya anak ang pinagbubuntis ni Cally kaya wala ka nang dapat ipag-alala.”

    Napabuga ako ng hangin at tumango-tango ulit. Hinimas-himas ko ang tiyan ko.

    “Hindi pa rin naman tayo sigurado na totoo ang sinasabi niya,” sagot ko. “Ewan ko, Azzile. Kung dumating man siya rito, edi sige. Pero sana lang, pupunta siya rito para sabihing sa 'kin na ulit siya.”

     Sabihin niya lang sa 'kin na mahal niya ako at sasama na siya sa 'kin, kalilimutan ko lahat ng nangyari. Ayun lang ang gusto ko. Ang mabawi siya, ang maniwala siya sa 'kin, at makasama siya ulit.

    Sa lahat ng pinapanalangin ko, ang bumangon sa umaga na siya ang katabi, ang pinakagusto kong mangyari.

    “Malay mo naman kaya ka niya hinahanap dahil gusto ka na niyang makasama, 'di ba?”

    Habang nagsasalita si Azzile, sunod-sunod na katok sa pinto ang kumuha sa atensyon ko.

    Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kitchen habang naririnig pa rin ang pagkatok ng tao sa labas.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon