— Wynona —
“Mahal ba ang tawagan natin? Ayun kasi ang tinatawag mo sa 'kin minsan.”
Napangiti ako nang dahan-dahang pumulupot ang kamay ni Acer mula sa likod payakap sa tiyan ko habang itinatanong 'yon. Tumango ako at nilingon siya saglit.
Napangiti rin siya nang magtama ang ilong namin.
“Mahal . . .” tawag niya sa 'kin na ikinatigil ko sa paghahalo ng salad na ginagawa ko. “Mahal, I love you.”
Nakagat ko ang labi ko at nagsimulang maghuramentado ang puso ko. Umikot ako paharap sa kaniya. Ngumiti ako at kumapit sa batok niya.
“Ilang buwan mo akong hindi tinawag niyan,” mahinang sambit ko habang nakikipagtitigan sa mga mata niyang nakangiti. “You don't know how much I missed you calling me mahal.” Sumandal ako sa dibdib niya dahil hindi ko na naman maiwasang maging emosyonal.
“I'm sorry, mahal. Heto na 'ko, hindi na tayo mag-aaway,” bulong niya at niyakap ako nang mahigpit. “Hindi na ako mawawala sa 'yo.”
Tumango-tango ako at pumikit. Ibinalik ko ang mahigpit na yakap niya.
Nagiging malambot talaga ako lagi sa lalaking 'to. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang minahal ko nang ganito.
“You made me the happiest woman, mahal,” pabulong kong sabi at kumalas saglit sa yakap niya. Ngumiti ako nang malapad kahit may luha na sa mga mata ko. “I love you so much.”
“Hindi ba nagbago ang pagmamahal mo sa 'kin kahit ilang beses na kitang nasaktan?” nakasimangot niyang tanong.
Umiling-iling ako bilang sagot. Hinawakan niya naman ang mukha ko. Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya. Akala ko sa labi niya ako hahalikan pero sa mata ko naramdaman ang halik niya. Pareho niyang hinalikan ang mga 'to.
Dahan-dahan akong dumilat pagkatapos niyang gawin 'yon. Ngumiti siya at nagbigay lang ng smack kiss. Natawa ako nang mahinhin at hinampas ang dibdib niya.
“Tama na nga ang drama!” Tinalikuran ko na siya at binalikan ang ginagawa kong salad. “Tulungan mo na lang akong maghanda ng pagkain natin.”
Nagpresinta siyang magluluto raw siya ng ulam kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi na yata nawala ang ngiti ko habang pareho kaming busy sa ginagawa. Madalas ko siyang pinapanood kaysa ituloy-tuloy ang sarili kong gawain.
Natutuwa lang talaga ako na kasama ko na ulit siya. Kaya kong tiisin kahit hindi niya pa ako naaalala, ang mahalaga ay nandito siya kasama ko.
Matapos naming makapagluto, hinanda na namin ang hapagkainan. Tutulong sana ako pero pinaupo niya na 'ko agad at siya na raw ang bahala.
“Ayan, masarap 'yan, mahal,” sabi niya habang nilalagyan ng sweet and sour chicken ang plato ko. Ayun ang niluto niya.
Ngumiti ako habang pinapanood ang paglalagay niya, tumingala pa ako para makita ang seryoso niyang mukha na naka-focus sa pag-aasikaso niya sa 'kin.
Ngumiti siya pagkatapos at naglakad na papunta sa upuan niya. Naglagay na rin siya ng kaniya.
Akmang susubo na siya pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya para pigilan 'yon.
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RastgeleCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...