Chapter 18

35 3 0
                                    

Chapter 18

"Here, eat."

"Wait. Am I a pig?  Bakit ang dami nito? Anong akala mo sa akin? Matakaw?"

Drice chuckled at me. I glared at him as an answer. Nandito kaming dalawa ngayon sa canteen. Hinila nya ako papunta dito nang nalamang hindi pa ako kumakain ng umagahan.

"No. It's not that. Kumain ka na lang." aniya natatawa.

"I told you, I'm not hungry."

Kanina ko pa kasi sya sinasabihan na hindi ako nagugutom. Pero mapilit. Hindi din ako makatanggi dahil totoong gutom naman talaga ako. Kaya lang ay ang dami nyang inorder na pagkain para sa akin na hindi ko yata mauubos.

"Pumapayat ka na Aviana. Dapat ay kumain ka."

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa sinabi nyang pumapayat ako. Kundi dahil sa itinawag nya sa akin.

"D-don't call me that." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

For a second, I touched my temple only to find that I don't have my glasses with me. I am usually fixing it when I'm not comfortable.

Tinaasan nya ako ng kilay at humalukipkip sa harapan ko.

"Hmm. But I find it cute." aniya habang pinaglalaruan ang labi na tila ba isang akong nakakatawang bagay.

The irritation easily piled up. I don't know but I can easily got annoyed by him. His simple actions or even in his just simple smirk. It's getting into my nerves that it feels like my insides are about to explode, sometimes because of anger but there are times because of a strange feeling.

"I said don't. "

"Ako lang ba ang tumatawag ng ganoon sayo? So that means that I am special. " aniya at humalakhak.

"No."

"Sino pa pala kung ganoon?" aniya ng may multong ngiti sa labi.

Nag-angat ako ng tingin. Ofcourse I won't tell it. It's my mom. At sa tuwing naririnig ko ang pangalang iyon at nangungulila lamang ako sa kanya. Isa pa, there is someone who used to call me that name. And I regretted it, really.

Tumikhim ako. I am now eager to change the topic.

"Where's my notebook. "

Tinaasan nya ako ng kilay. Alam kong alam nya na ayaw kong pag-usapan kaya mabuti na lang at hindi na sya nagtanong.

"Eat first. Ibabalik ko kapag tapos ka na."

Umirap ako sa sinabi nya. Gusto ko pang paalalahanan ang sarili ko kung gaano ako kagalit sa kanya kagabi dahil sa nasa kanya ang notebook ko at ngayon naman at binablack mail nya ako para lang makakain.

Tumawa sya sa ginawa ko. I didn't hide my irritation though. Umirap ulit ako.

"Bakit ba ang hilig mong mang-irap?"

"Tss." I hissed. I cannot find any sense in answering his question.

Nagsimula na akong kumain. Kinuha ko ang mga kubyertos at pinagmasdan ang mga pagkain sa harap. Gutom ako, pero hindi ko naman mauubos lahat ng ito.

In the end I got the rice and the porkchop. Mamaya ko na iisipin yung sandwich at yung sopas.

Dahan-dahan akong kumain. Actually I'm not comfortable eating with Drice. I think I'll never get used to it. Hindi ngayon at hindi kailanman.

Nanatili ang titig nya sa akin habang ako ay tahimik na kumakain. I suddenly wonder, kailan ba ito nagsimula? Saan at bakit ko hinayaang magkaganito?

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon