Chapter 46

26 1 0
                                    

Chapter 46

Lumipas pa ang mga araw at nagbalik sa normal ang lahat. Normal para sa iba pero hindi para sa akin.

"Avi, sasabay ka sakin?" Laura asked me.

Umiling ako at ibinalik ang tingin ko sa librong binabasa ko. It's been a week since I last attended the class. Wala namang kaso kasi si Papa ang principal. Ayoko man gamitin ang posisyon nya pero hindi ko pa talaga kayang pumasok ngayon.

Not now when I am still a mess.

Laura sighed and kissed me on my cheeks before bidding her goodbye. I know I've been a pain in the ass since then. Nag aalala na sina Papa at Tita sa akin. I only talked few words and then locked myself inside my room, making myself busy and not letting my mind drift away.

Tumunog ang cellphone ko sa panibagong text message. I thought it was Laura. But it was an unregistered number.

Unknown :

Avi.

Natigilan ako. I've been receiving the same message for the past week. Nakailang palit na ako ng number pero nagtetext pa rin. I don't know who is this. Mayroon man akong ideya ay hindi ko na iyon isinasatinig pa.

I sighed heavily and decided to turn off my phone. Tumayo ako at nagtungo sa veranda ng kwarto ko. I felt the breeze of the cold wind. Naramdaman ko yung lamig hindi lang sa katawan ko, pati na din sa puso ko.

Mariin akong pumikit. Inalala ko yung mga panahon na madali lang ang lahat. I was just the nobody that no one will notice. Mapansin man, purong panlalait lang. But, I am much okay with that.

If I could only turn back the time, I will choose not to love him, or even meet him, for loving him only means breaking me.

"Avi."

Tumikhim si Papa upang maagaw ang atensyon ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"You're not attending your class. May I know why?" he asked seriously.

Sa tono ng pananalita nya alam kong galit sya. Siguro dahil akala nya nagrerebelde ako. But there is also a hint of concern in his voice.

Tumungo ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. How can I say that I don't want to go to school because I might breakdown feeling the same pain again?

"Hon, Hayaan mo muna si Avi. She's smart. Let her take a rest for a while." sabi ni Tita Lorena at hinawakan ang braso ni Papa.

Sinulyapan nya ako at binigyan ng isang ngiti. Tipid ko syang nginitian pabalik. Ramdam ko ang tingin ni Laura sa akin.

Huminga ako ng malalim. Alam kong alam nila na may problema ako. And that's what I hate the most. Yung kakaawaan nila ako dahil alam nilang mahina ako.

"Papasok na ako bukas." matapang na sabi ko.

Nanatili ang titig sa akin ni Papa. Lumawak ang ngiti ni Tita Lorena kahit bakas ang pagprotesta at pag-aalala sa kanyang mata.

"What? Magpahinga ka muna dito!" biglaang sabi ni Laura.

Tipid ko syang nginitian.

"I've got enough rest."

"May problema ka ba sa eskwela Avi?" tikhim na tanong ni Papa.

Mabilis akong umiling. Hinawakan ko ang kamay ni Laura para hindi na sya magsalita pa. I don't want to make things worst.

"Wala pa. Tinamad lang ako ng mga nakaraang araw. I'll be back tomorrow." marahang sabi ko.

Naiwan kaming dalawa ni Laura sa sala noong lumalim ang gabi at umakyat na sina Papa para magpahinga.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon