Chapter 19

31 1 0
                                    

Chapter 19

"Drice. M-may klase pa ako."

Patuloy lang sa paglalakad si Drice ngunit tumigil din sya ng nagsalita ako. Tiningnan nya ako gamit ang galit na expresyon. Napakurap ako sa ginawa nya.

"Anong oras ang time mo?"

"8:30." tipid na sagot ko. He took a glance at his wrist watch before nodding at me.

"We still have 10 minutes to talk."

I pursed my lips to prevent talking. What? At ano naman ang pag-uusapan naming dalawa?

"Ano?"

"Tell me, kailan kayo naging magkaibigan ni Rem?" his cold voice sent shivers on me.

Nag-iwas ako ng tingin. I cannot handle the intensity of his eyes.

"We're not friends."

Nagpakawala sya ng buntong hininga sa sinagot ko. Akala ko ayos na, pero hindi papala.

"Then, why are you smiling at him? Samantalang hindi ka man lang ngumingiti kapag magkasama tayo. Ako ang kaibigan mo diba?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. He absentmindedly ran his fingers through his hair that it makes his damp hair looks sexy for him.

"D-don't be too childish, can you?" iritadong sagot ko, o pinagmumukha kong ganito ang tono. I'm a bit distracted by his hair.

"What? Ako? Childish?"

"Yes. Grow! Nginitian ko lang ang tao. Ano naman ngayon?  Isa pa, kailan ba tayo matatapos sa issue na kaibigan mo ako? At ikaw lang dapat?" naiinis na sabi ko. This tine totoo na talaga to.

"Look, I'm not limiting you to have friends aside from me, I just can't accept that you're treating them differently from how you treated me."

Because you're different!  Asshole!

I badly want to curse at him pero hindi ko ginawa. I want to end this conversation. Hindi ko na kaya ang emosyong naibibigay ng pag-uusap na ito.

"Avi!" napalingon ako sa tumawag sakin.

It's Laura. Thank God.

"Come Avi! May ikukuwento ako sayo!" natutuwang aniya at hinawakan ang braso ko bago ako hinila palayo

Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ang may humawak na sa kabilang kamay ko. I literally had goosebumps because of what he did.

"We're still talking."

"What? Mamaya na lang. May pag-uusapan kami." inis na sabi ni Laura ngunit nakataas ang kilay nito sa amin.

"This is important Laura. Let her go."

"No." madiing ani Laura at hinila ako. "You let her go. Wag kang masyadong seloso sa kaibigan ko Drice. Don't be too territorial. Hindi mo sya pag-aari."

Nalaglag ang panga ni Drice sa sinabi ni Laura. Maging ako ay nagulat sa sinabi nya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sya o ano pero dahil sa seryosong ekspresyong binibigay nya ay napagtatanto kong seryoso nga sya.

Hindi na nakaangal pa si Drice ng hilahin na ako ni Laura palayo dun. If I'm not mistaken, wala syang kalse ngayon. But I do have my classes. Sana lang madali lang ang pag-uusapan namin dahil sa ayokong malate.

Dumeretso kami ni Laura sa CR at doon nya pa lang ako binitawan.

"Anong problema nun Avi?" nagulat ako ng marinig ang iritasyon sa tono nya.

Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot. Ewan ko ba din kung anong problema nun. Hindi ba dapat ako ang galit dahil nasa kanya ang bagay na mahalaga sa akin?  Pilit nyang pinapaalala ang mga bagay na gusto ko ng kalimutan sa pamamagitan ng pagtawag sakin ng pangalang ayoko ng marinig. At nanggugulo sakin simula pa lang nung una.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon