Chapter 58

32 1 0
                                    

Chapter 58

Kuya?

Pinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan sila. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

I cannot even understand what's happening. Magkakilala sila?

Alam ba ni David na kilala ko si Drice? At Alam ba ni Drice na si David ang kinukwento ko kanina?

Biglang sumakit ang ulo ko.

"What are you doing here?" Drice asked in a calm manner. Lumuwag ang paghinga ko. Pero hindi pa rin naalis ang kaba at tensyon.

"Meeting." David replied. Tumango si Drice sa kanya.

"Ikaw? Ka-meeting mo si Avi?"

Nag-angat ako ng tingin kay David. Kumunot ang noo ni Drice. He clenched his jaw. Naramdaman ko na mas naging tensyunado sya.

"No." he said while placing his hand on my waist in a very possessive manner. Napasinghap ako ng mas hapitin ako ng Drice papalapit sa kanya.

Natigilan si David sa ginawa ni Drice. Fear was showed in his face. Nataranta sya sa nakita at hindi mapakali ang mata. Kumirot ang puso ko.

Something inside my head knew something. Something I know but I neglect to understand. Something that is more complicated than I expected.

"Oh." yun na lang ang nasabi nya. He flashed a shy smile. Nagkamot sya ng ulo at pekeng tumawa.

But I know, deep inside that laugh is the fear. Fear of hurting Drice again. Fear of knowing the truth. Because like him, fear is also dripping in my system.

"I should get going now." paalam ni David. Nanatili ang titig ko sa kanya. Ayokong tingnan si Drice.

I repeatedly curse myself. Paulit ulit sa utak ko. I am very frustrated. Ayokong tanggapin ang iniisip ko. This can't be.

Kasi, masyado naman atang mapaglaro si tadhana.

"Bye Avi." aniya at tumingin sa akin. Tinanguan ko sya at tipid na ngumiti.

Tinapik nya ang balikat ni Drice at nilagpasan kami.

I can still remember what Drice told me about his family. Alam ko ang dahilan ng pagkamatay ng mama nya. Alam ko kung bakit malayo sya sa papa nya.

At... Hindi ko ata matatanggap kung malalaman ko na ako ang dahilan.

At ngayon na maayos na sila, not totally. Pero alam kong mas okay sila ngayon. Drice find it really hard to accept and forgive that it makes my heart feeling the guilt of betrayal.

Gusto kong umiyak.

Hindi ko alam. Hindi ko naman sinasadya. Alam ba ni Drice?

"Kuya."

Tumigil si David sa paglalakad ng tawagin sya ni Drice. Humigpit ang hawak sa akin ni Drice. It's as if he'll not let me go no matter what happens.

"Thank you."

Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Bahagyang nalaglag ang panga ni David at nilingon ako. Pabalik balik ang tingin nya sa aming dalawa hanggang sa bumagsak to sa kamay ni Drice sa baywang ko.

"Para saan?"

Sandaling katahimikan.

"For finally letting her go." he said and tightened his grip.

Parang may humaplos sa puso ko kasabay ng panunubig ng mata ko. I looked at him. Mariin syang nakaritig kay David. Gusto kong haplusin ang mukha nya.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon