Chapter 44

29 1 0
                                    

Chapter 44

I felt numb. Nanlalamig ang buong katawan ko at nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. I want to get out of here, but my body don't cooperate.

I'm waiting to hear more. I'm waiting for him to take back what he said. That he's not fooling me. That he's not doing all of this because of a bet.

Nakahawak ako sa bibig ko at pinipigilang tumakas ang hikbi na kanina ko pang tinatago. I took all my guts to step backward. I need to get out of here.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang humahakbang akong paatras. Nakita ko rin kung paanong sumulyap sa akin si Kenneth. Lumawak ang ngisi nya ng makita nya ako.

Nanikip ang dibdib ko. Please. Stop.

"Seems like your princess is here." aniya kay Drice habang nakatitig sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala na akong lakas.

Kumunot ang noo ni Drice at bumaling sa kung anong tinitingnan ni Kenneth. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ako doong lumuluha nang dahil sa kanya.

"She heard it all. Ah, what a beautiful scene."

Mariin akong nakatitig kay Drice. I can see different emotions in his eyes. Mabilis din ang pagtibok ng puso ko at gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko.

"A-Avi." seryosong usal nya.

Umigting ang panga ko at pinalis ang mga luha sa pisngi ko.

All I ever did was to stood there and stared at him.

Naglakad papalapit sa akin si Kenneth. Pinanood ko kung paanong nabura ang maganda nyang imahe at napalitan ito ng malademonyong ngiti.

"Come here."

Napadaing ako ng bigla nya akong hatakin sa braso at inilapit kay Drice. Sumulyap ako kay Drice para humingi ng tulong pero nag-iwas lamang sya tingin.

"Speak Bitch. Cry. Your love is fooling you. Kawawa ka naman."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong magsalita. I am mad. Galit na galit ako.

"I said cry!"

Napapikit ako sa sigaw nya. Lumukob ang takot sa pagkatao ko. I don't know him. Who knows if he's capable of hurting me.

"Let go of her."

Nakahinga ako ng maluwag nang naramdaman ko si Drice sa tabi ko. Just like before. He's going to protect me.

Humalakhak si Kenneth at patapon akong binitawan kay Drice.

"Drice...ngayon mo patunayan ang sinasabi mo sakin kanina."

Umigting ang panga ni Drice at kumuyom ang mga kamay nya.

"Ngayon mo sabihing hindi mo mahal tong babaeng to sa harap nya! Ngayon mo patunayang kapatid ko ang pipiliin mo kaysa sa kanya!"

"Ah!" napasigaw ako sa sakit ng bigla nyang hatakin ang buhok ko

Pilit nya akong pinaharap kay Drice na ngayon ay namumula na sa galit.

"Drice." nagmamakaawang tawag ko.

Nalukot ang mukha ko nang mas hatakin ni Kenneth ang buhok ko. Halos mapasigaw ako sa sakit sa panggigigil nya sa akin.

"I said let her go!"

Humalakhak si Kenneth at mas lalo lamang akong hinatak papalapit sa kanya.

"Alam mong ito ang mangyayari kapag sinaktan mo ang kapatid ko."

"D-Drice." naiiyak na tawag ko.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon