Chapter 59

39 2 0
                                    

Chapter 59

Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Hinawakan ko ang braso nyang nakapulupot sa akin at pilit tong tinatanggal pero ayaw.

"Please Avi. I'm not mad at you. I'm mad at myself. Hindi ko lang matanggap na nagawa yun ni kuya sayo, o magpapasalamat ba ako na ginawa nya yun para pakawalan ka. I'm not mad at you. I'm mad at myself for not knowing how painful if is for you while I was not there to comfort you."

Nanghina ako sa malalambing na bulong nya. Para akong hinehele ng bawat salita. Hindi ko alam kung bakit ganito sya. Paanong natatanggap nya pa ako.

Tandang tanda ko pa kung paano sya kamiserable noon. Kung paano sya nasasaktan at kung gaano nya nilahad ang galit nya sa babaeng lubusang minahal ng kuya nya. At ngayon, sasabihin nya na naiintidihan nya? Kasi mas malala pa yung mangyayari sa kanya kung sya ang iwanan ko?

That's.... That's ridiculous.

"You don't understand Drice. Can't you see? Ako ang dahilan Drice! I am the reason why your family is a mess!" I said trying to make him see my reasons. Kumalas ako ako sa hawak nya at nagtagumpay ako.

Maybe he's just to weak to hold me. Umiling sya sa sinabi ko. He cupped my face.

"Shh..."

"No, you need to wake up Drice!  Ano ba? Gumising ka!" sabi ko tumaas ang boses. Tinulak ko sya palayo sa akin pero masuyo nyang hinahawakan ang siko ko.

I just can't accept that he can afford to love me. Oo, masarap sa pakiramdam. Pero ang sakit din.

"No. Just stay still. Don't push me baby, nasasaktan ako."

Parang nawasak ang puso ko sa narinig. Tumigil ako sa pagpupumiglas.

"Drice... Why? Why are you like this? Bakit ba mahal na mahal mo ako? I... I don't deserve you." nanghihinang sabi ko.

"No."

"I don't deserve your love. I don't deserve a man like you. Wala akong ibang gawin kundi ang saktan ka. Kaya bakit? Bakit patuloy mo pa rin akong minamahal?"

Umigting ang panga nya. Hinila nya ako papalapit sa kanya. Muli akong sumalampak sa kanyang dibdib. He find a way to rest his face on my neck.

"Can you just love me the way you know it should be? It hurts knowing that the girl I love doesn't think that she's deserving for what I feel."

"Drice..." marahang tawag ko.

"I love you. No, I think that's just an understatement by the way I feel for you. Hindi ako naghahagad ng sobra Avi. Just love me. C-Can you?" pumiyok sya.

Napapikit ako sa sakit.

"Sinira ko ang pamilya mo."

"It's not your fault."

Suminghap ako.

"You loathed that girl. And I am that girl."

"So what? I love her now. I love you."

Binalot kami ng karahimikan. Nanatili kaming ganoon habang yakap yakap nya pa rin ako. Ayaw bumitaw kahit ramdam ko ang panghihina nya.

"Avi..."

"Hmm?"

"Can you promise me one thing."

"Ano yun?"

Humigpit ang yakap nya sa akin.

"Promise me that you won't leave."

Kumirot ang puso ko. Para itong nawasak sa tono ng pagmamakaawa nya sa akin. Unti unti akong tumango at niyakap sya pabalik.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon