Chapter 47

31 1 0
                                    

Chapter 47

I spent the remaining days of the week like a blur. The time is like a whirlwind that blinds me.

Sumimsim ako ng tubig at pinunasan ang bibig ko. Hinihintay ko na lang ng matapos sina Papa sa pagkain bago ako aakyat sa kwarto ko.

Ramdam ko ang titig sa akin ni Tita Lorena pero inignora ko na lang. Tahimik silang pinagmamasdan ako. Alam kong alam nila na may bago sa akin. Pero nananatili akong tahimik sa nangyayari.

"Hija, may mga assignments ka ba?" tanong ni Tita bago sumubo.

Umiling ako.

"Wala po." I honestly answered.

"If you want, you can join me in baking a cake for tomorrow."

Sandali akong hindi nakasagot. Anniversary nina Papa at Tita bukas. Simple lang ang magiging celebation at si Tita ang gagawa ng cake para bukas.

Tipid ako ngumiti. Nahihiya man akong tumanggi pero wala akong gana.

"Masama po kasi ang pakiramdam ko." sabi ko.

Tumango tango si Tita sa sinabi ko. Mabuti na lang din at hindi nya ako pinilit.

Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paninitig sa akin ni Laura. I looked away and stared blankly at the painting on our wall pretending that there's something interesting there.

"Sa kwarto ka ba ni Laura matutulog ulit?" maingat na tanong ni Papa.

Napabaling ang tingin ko sa kanya. For the past nights, I've been sleeping with Laura. I just don't want to feel like sleeping alone in my bed remembering how someone used to comfort me before when I am lying alone back on my condo.

"Hindi na po."

I heard Laura sighed at my answer. She finished her food and then smiled at me.

"Puwede ka namang tumabi sa akin ulit."

Tumango ako.

"Yes. Pero may sariling kwarto ako." I said.

I just realized that I dragged Laura so much with my problem that I became a burden to her. Alam kong nag-aalala sya sa akin at ayokong I mabahala pa sya.

"Anak, may problema ka ba?" biglang tanong ni Papa.

Bahagya akong nagulat sa tanong nya. Parang piniga ang puso ko. Simpleng tanong lang pero para akong ibinalik sa mismong araw na nawasak ako.

I forced a smile though it's really hard.

"I'm fine." tanging sagot ko.

Silence filled the whole place. Naguilty tuloy ako sa nangyari. Tumikhim ako at napagpasyahan na umakyat na sa kwarto ko.

"Ah, hija..you can invite Drice tomorrow if you want." masiglang suhestyon ni Tita.

Natigilan ako sa pagtayo. Mariing tumitig sa akin si Laura para panoorin ang magiging reaksyon ko. I never said to them that we're over. It is so fast that I, myself can't absorb it yet.

Nanatili ang blanko kong ekspresyon. Hindi ako nagpakita ng kahit ano. I just nod my head and turned my back at them.

"I better not." I said as I bid my goodnight at them.

That night, I was hunted by the memories. The time when I was alone in my condo and someone will just sneak out and pester me. The time when everything is very simple.

And just like the other nights,  I chose to close my eyes and shrugged that painful thought off.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi kagaya noon, mas naging blanko ang pakikitungo ko sa iba. Kung noon, napapansin ko pa ang mga titig at pangbubulong bulungan nila, ngayon hindi ko na inaalintana.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon