Chapter 49

32 2 0
                                    

Chapter 49

"You sure you'll be fine here?"

Nginitian ko si Papa at tumango ako sa kanya.

They'll be leaving. Tapos na kasi ulit ang weekend and babalik na sila.

For two years, nasanay ako sa routine na every weekend ay pupunta sila dito and aalis kapag Linggo na.

But after my conversation with Beth, it feels like there's something stopping me from agreeing to be left here.

"Magc-christmas break na. Sama ka na samin." Laura said and cling into my arms.

Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. Before, it was so easy for me to say no. Kasi ayokong bumalik. Kasi wala akong babalikan

Pero wala nga ba?

Damn. Napapikit ako at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Sa loob ng dalawang taon natutunan kong hindi sya isipin. Ilagay sya sa pedestal ng utak ko na hindi dapat bisitahin. Ayoko dahil hindi ko kaya.

Magsisisi lang ako. And there's no time for regrets. Dahil nakapagdesisyon na ako. At hindi ko na mababago pa yun.

"Titingnan ko."

Nanlaki ang mga mata ni Laura at lumawak ang ngisi nya.

"Heard it Dad? Titingnan nya! Gosh, she's slowly changing her mind. Babalik na sya. I'm so excited!"

Umiling na lang ako sa reaction ni Laura. Nilingon ko si Papa na mariing nakatingin sa akin.

Ang totoo, hindi din ako bumabalik dahil hindi naman umaayaw si papa na dito ako. I mean, for him, it is safer if I stay here in Batangas.

Knowing what have I suffered. Muntik na akong mamatay at ayaw ni papa na maulit yun.

I can still vividly remember what happened two years ago. After the incident, sobrang bilis ng pangyayari. Nagising na lang ako isang araw na iba na ang takbo ng pamumuhay ko.

Isang linggo akong walang malay sa ospital dahil daw sa trauma na natamo ko. May galos at sugat din ako sa ibang parte ng katawan ko.

At nung nagising ako, I woke up feeling numb. Tulala ako at parang walang alam sa nangyari. My body is physically tired. Pagod na pagod to the point na hindi na ito makapag respond sa mga bagay bagay.

That was my darkest days. Nagugulat na lang ako at papahidan ni Laura at luha ko habang hindi ko alam na umiiyak na pala ako. She will look at me with pity and sympathy.

Kung dati naiirita ako dahil ayaw kong kinakaawaan ako, nung mga panahon na yun naaawa na din ako sa sarili ko. Sa sakit ay halos hindi ko na maramdaman ang pag-iyak ko.

Siguro dahil sanay na ako? I don't know.

"Avi, stop crying." mahinang bulong ni Laura habang malungkot na nakatingin sakin.

Nilingon ko sya. Gusto kong maiyak sa nakikita ko. She's in pain because of me. Nandamay na naman ako ng ibang tao.

"I-I want to see him." matapang na sabi ko sa kabila ng panginginig ng aking boses.

Isang linggo at ngayon lang ako tuluyang nagsalita. Hindi nagulat si Laura sa sinabi ko. Siguro, alam nya na ito din ang iniiiyak ko nitong mga nakaraang araw.

She knows my pain, but she doesn't know how it feels.

Mariin akong napapikit noong naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. I am hurt.

Pero paano pa sya?  Gusto ko syang makita. Gusto kong malaman kung kamusta ang kalagayan nya. Gusto ko syang puntahan.

"P-Please Lau. I want to see h-him..."

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon