Chapter 38

25 2 0
                                    

Chapter 38

Para akong lumulutang pagkagising ko kinabukasan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari.

Everything seems to be a blur. It was like a dream come true. And I was like a butterfly enable to spread her wings to finally fly.

Before, I was just this lousy girl who doesn't care about anything around me. I built walls to defend me. To protect me. Because I don't want to suffer from pain again.

But everything changed. I met Laura. I met Rem. And I met him.

Hindi ko namalayan unti unti na palang natitibag yung binuo kong pader. Na unti unti nang natunaw yung yelo kong puso.

I started to care for them. I started to see colors again. I started to feel my worth again. And lastly, I started to trust. And I'm very thankful that I met those great friends that I have.

Kagabi na yata ang hindi ko pinakamalilimutang gabi. Halos sumabog ang puso ko at hindi ko alam na posible pala yun? I never thought that I will feel this way again. Intensely and madly.

Maaga akong nagising kahit na halos hindi ako makatulog kagabi. Natulala pa ako sa kama at inalala ang mga nangyari kagabi.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang kilig. Shit. I am not like this.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para makapaghilamos. Hanggang doon ay iniisip ko pa rin ang kagabi.

Ayaw nang umuwi ni Drice kung hindi ko lang pinilit. Madaling araw at gising pa rin kami at nag aasarang dalawa.

I sighed. Everything is on it's proper way.

Pagkalabas ko ay naamoy ko kaagad ang mabangong niluluto mula sa kusina. Kumunot ang noo ko dahil don.

Si papa kaya? Pero hindi yun napunta g umaga dahil dun sya nagbe-breakfast sa kanila.

Kinusot ko pa ang mata ko habang papunta ako ng kusina.

And there I saw him. With his naked back, Drice is only wearing my pink apron while facing the stove and humming the song he sang at me last night.

Natutop ako sa kinatatayuan ko sa gulat.

"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na usal ko.

Dahan dahang lumingon sa akin si Drice at halos atakehin ako sa puso sa ngiting ibinigay nya. Nakaramdam agad ako ng kuryente sa simpleng pagtingin nya sa akin.

"Good morning." napapaos na sabi nya at humakbang papalapit sa akin.

Napaatras ako sa gulat. Gosh. Bakit ba ako naiilang? Nginisian nya ang reaksyon ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Uminit ang pisngi ko sa hiya.

"M-Morning." nauutal na bati ko pabalik. Lumawak ang ngisi nya sa akin at hinapit ang baywang ko papalapit sa kanya. Nahawakan ko ang dibdib nya sa gulat ko.

"I missed you." aniya at hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako nang sandaling lumapat ang labi nya doon. It feels like I'm secured. Parang walang pangamba dahil nandito sya.

"Breakfast?"

Tumango ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at ginulo ang buhok ko bago ako hinila patungong dining area. Pinagmasdan ko syang ilapag ang mga niluto nya. Fried rice, scrambled eggs, ham and bacon. Naglagay din sya ng juice.

And thank god dahil naisipan nyang magbihis bago kami tuluyang kumain.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko at sumubo.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon