Chapter 21

32 1 0
                                    

Chapter 21

Change is the only constant in this world. Parang kailan lang nung tahimik lang akong napapariwara. Mag-isang hinaharap ang araw araw na pagsubok. But now, I am not alone. I have them.

I have him.

Ngayon, kasama na sya sa mga nananakit.

"Are you okay?"

Nanatiling nakatitig ako sa kanya. I am staring as if this will be the end. He is also giving me the same intensity of my stares. I secretly swallowed the lump in my throat.

Umigting ang panga nya nang hindi ako sumagot. He silently travelled his eyes from my head to foot. I stiffened for a moment.

Now, I know that he already knew what happened.

Damn. Late na late na talaga ako sa klase ko. What a day huh? And so ridiculous of me thinking about me being late rather than minding this intimidating man in front of me.

I stepped backward when he made one step. Natigilan sya sa ginawa ko. I can see different undefined emotions in his eyes. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero nakakasiguro ako sa isa.

Takot. He's scared. I know he's scared of losing me.

He's scared of losing the game.

Nag-iwas ako ng tingin. My heavy breathing is now noticeable. Umihip ang malakas na hangin dahilan upang manginig ako sa lamig. I am still wet.

Damn. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nila nakuha ang tubig na yun.

Isang mainit na tela ang yumakap sakin. Nag-angat ako ng tingin only to findi him staring at me. Isang v-neck shirt ang suot nya. At ang jacket nya ay nakasuot na sa akin.

"Avi." isang salita at nanindig lahat ng balahibo ko. How could be his voice be this seductive? 

"Anong nangyari? " malambing na tanong nya.

Umawang ang labi ko upang lumanghap ng hangin. Kinakapos na naman ako nang dahil sa kanya.

"Avi." halos mapatalon ako sa gulat ng hawakakan nya ang siko ko, maging ang mukha ko upang matingnan ko sya ng maayos.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Intimate.

Damn. We're so intimate. Hindi ba sya naiilang?

"Bitaw." malamig na usal ko.

He clenched his jaw by what I have said. Pero kahit ganun hindi pa rin sya bumitaw. He even made that as an opportunity to step forward getting my personal space.

"Tell me, what happened?"

Malalalim at mabibigat na hininga ang ginawa ko. If this is his kind of game, then let's play. Now, and here.

"Aksidente--"

"Damn that accident!  I just saw you wet and messy from that comfort room! Don't you dare lie to me Aviana!"

Napapikit ako sa sigaw nya. Nararamdaman ko rin ang mabibigat nyang paghinga sa pisngi ko.

"Sino ang gumawa? I'll damn beat that bitch."

Napamulat ako sa sinabi nya. He is staring at me with gritted teeth.

"It's just an accident." sagot ko at hinawi ang kamay nya. Ngunit hindi sya nagpatinag.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nya bago ako tapunan ng isang matalim na tingin. Isang tingin na hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sakin.

"Come with me--"

"May klase ako." I cut him off.

"Huwag ka ng umattend."

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon