Chapter 52

29 2 0
                                    

Chapter 52

Tahimik ako buong byahe kahit panay ang ingay nila Laura at Beth. Nakatanaw lang ako sa bintana at nakatitig sa mga puno.

It was raining. Makulimlim ang paligid. And it feels like it just added pain to what I'm feeling.

Tama si Beth. Hindi ako babalik para kay Drice. I'm going back for myself. Babalik ako para harapin yung mga bagay na tinakbuhan ko.

I'm going back to make myself whole again.

And if there's a possibility that I would see Drice,  I'll accept what will it turns out.

Kung may mahal na syang iba, tatanggapin ko. If he'll introduce another girl in his life, I would gladly accept.

Maybe it will hurt, but it will eventually fade. I must accept it, because I am the one who left and never assure him of me coming back again.

"Avi, gising na."

Naalimpungatan ako ng tapikin ni Laura ang pisngi ko.

"Hm?" I groaned.

"Baba muna, kain muna tayo, nagutom kami."

Iminulat ko ang mata ko at nakita kong naka park kami sa isang fast food restaurant. Malapit na ito sa amin.

"Sina Papa?"

"Lumabas na para umorder. Tara na."

Tumango ako. Bakit kaya hindi na lang sa bahay since malapit na naman kami.

Nagkibit balikat ako. Oh well, baka pagod na sila para magluto dahil gabi na din naman.

Pumasok kami ng fastfood at kinawayan kami ni Beth. Malawak ang ngiti sa labi nya.

Umirap ako at nagtungo palapit sa kanya.

"Dito ka!" maligayang sabi ni Beth at pinaupo ako sa tabi nya.

"Masyado kang excited." puna ko.

She rolled her eyes at me.

"Ikaw lang naman kasi ang hindi."

"Tss."

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at kinusot ko ang mata ko. I'm still sleepy.

Paanong hindi? E halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa pag-uwi naming ito.

I just hope that everything will turn out well.

"A-Avi?"

Umawang ang labi ko sa gulat at halos kapusin ako ng hininga ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Beth at doon rumehistro ang takot sa sistema ko.

I just said... Ayoko pa na makakita ng mga taong parte ng past ko. Kahit sino pa yan.

"I'm sorry Avi. Hindi ko akalain na nandito sya."

Nanatili akong nakatalikod sa kanila at hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

"Avi... You're back."

I swallowed hard. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko sya hinarap.

"Rem." I called his name.

Kita ko ang gulat at panlalaki ng mata ni Rem ng makita nya ako.

I stared at him bravely. Namiss ko ang lokong to. At some point, isa din sya sa mga taong may ginampanang malaking parte sa buhay ko para maging ganito ako.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon