Chapter 23

39 1 0
                                    

Chapter 23

Days have passed pero ganun pa rin. Wala namang masyadong nagbago.

Papa is still at it. Alam kong may problema pa rin sya dahil madalas sya ngayon sa condo. Bagay na alam kong ginagawa nya kapag ayaw nyang umuwi sa kanila.

I know Papa. He loves his family so much. Nagawa nya nga akong itago hindi ba? But I am not blaming him. Kasalanan nila iyon ni mama noon. At hindi ganoon kakitid ang utak ko para hindi intindihin ang mga bagay bagay.

Each day became a blur. And daming nangyari sa loob ng ilang araw na halos hindi ko na masundan.

Rem and I are already friends. Nakaupo ako mag isa noon sa garden at nagbabasa ng mapadpad sya doon. Naabutan ko syang umiinom ng alak. Wala sana akong balak pansinin sya kaso nakita ko syang umiiyak. And I guess seeing others weakness is also my weakness. Bago kami naghiwalay noong araw na iyon ay naging magkaibigan kami.

I still couldn't believe how I easily give my friendship to Rem when it is very hard for me to give it to Drice. Well, siguro may ibang dahilan. Malalim na dahilan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan.

Samantalang busy naman si Laura sa practice niya sa cheerdance. Nalalapit na din kasi ang intrams. At wala syang ibang bukang bibig kundi ang pagrereklamo na kinukulit daw syang mag muse. Wala pa kasing nakikitang representative ang year level namin. Gusto daw kasi ay yung katulad ni Laura.

Habang si Drice naman... Well, nakapag isip isip ako. Ilang araw na din naman ang lumipas. May mga natuklasan ako. Maaari ko syang husgahan, pwede akong magalit sa kanya, pero hindi ko ginawa.

Hindi hanggat hindi ko pa naririnig ang side nya. Sabi nila matalino daw ako, at kung totoo man yun, gusto kong patunayan na hindi lang sa loob ng paaralan, kundi maging sa pagdedesisyon sa buhay.

Nakaupo ako ngayon sa library para magpalipas ng oras. Kakaunti lang din ang mga estudyante dahil mag gagabi na. Habang ako naman ay may isang klase pa mamaya.

Ibinaba ko ang librong binabasa ko para pumikit. Sumasakit ang mga mata ko. Pagkamulat ko ay napadako ang tingin ko sa isang sulok. Nanindig ang mga balahibo ko ng marealize kung ano ang nakita ko dito dati.

Drice kissing some random girl. Babaeng hindi nya naman maalala kung ano ba talaga ang pangalan. Napairap ako sa kawalan.

Ano na kaya ang nangyari sa mga babae ni Drice?  Parang wala na akong nakikitang kalandian nya, though madami akong nakikitang nilalandi sya.

Magaling magtago? O baka naman kinakalawang na? Tss, napangisi tuloy ako sa mga iniisip ko.

"Hey." halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko.

"O shi--"

"Shh." nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Drice malapit sakin.

Malawak ang ngisi nya ng makita ang reaksyon ko. Gamit ang hintuturo ay pinigilan nya ang pagsigaw ko sana kanina. Napasinghap ako sa kaba.

Damn heart. Why are you beating so fast?  Magpapa-check up na siguro ako.

Pilit kong kinunot ang noo ko tinabig ang kamay ni Drice. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng lumayo sya.

Napalingon ako sapaligid. May mga nakakita samin, alam ko. Pero nagpapatay malisya sila. Ngunit hindi makatakas sakin ang mga paunti unti nilang pagsulyap at irap sakin.

Simula nung nangyari sa banyo ay hindi ko naulit nakasalamuha sina Jean. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat na lang ako isang araw ng sila na mismo ang umiiwas sakin.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon