Chapter 24

28 1 0
                                    

Chapter 24

"Hey." halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang humawak sa siko ko.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino. His scent attacked my nose. Kung siguro sa ibang pagkakataon ay nasiko ko na sya dahil sa pagiging sobrang lapit pero iba ngayon. Hinayaan ko sya.

"I'm just looking at your pictures." sabi ko at nilingon sya para makawala sa pagkakahawak.

I can see amusement in his eyes. He plastered an evil grin before putting his point finger on his lips. As if there is something funny that had happen.

Inirapan ko sya. Natawa sya sa ginawa ko.

"Ang gwapo ko no?" pagmamayabang nya.

Tinulak ko sya palayo sakin kaya mas lalo lang syang natawa.

Yabang.

"Gutom na ako." sabi ko na lang at dumeretso na sa dining area.

Agad kong naamoy ang mabangong ulam. Lihim akong napangisi. Imposible namang ganung kabilis nagluto itong si Drice.

Narinig ko ang mga yapak nya sa likod ko. Nilingon ko sya at nakita ko syang kumukuha ng kubyertos. Pinagmasdan ko lang sya sa ginawa nya. Umupo ako at humalukipkip habang hinihintay syang matapos.

"Let's eat." tumango ako nang natapos sya.

Pinanuod ko syang paglagyan ang pinggan ko ng tamang dami ng kanin at ulam. Matapos ng akin ay kanya naman.

"Quir staring." natauhan ako sa sinabi nya.

Agad akong nag-iwas ng tingin at inumpisahan na lang galawin ang pagkain.

Sinulyapan ko sya at nakitang kong nakatingin sya sakin habang nakangisi.

Damn.

"Nagagwapuhan ka ba masyado? I'm sorry, problema ko na yan simula pagkabata."

Halos umikot na ang mata ko kakairap. Ang hangin talaga ng isang ito.

Sumubo na lang ako. Napatingin ulit ako sa kanya ng malasahan ang sarap.

"Ikaw ba talaga nagluto?" tanong ko.

"Oo naman. Masarap ba?"

"Hindi ikaw ang nagluto." I stated.

Lumawak ang ngisi nya.

"Ako nga. Can't you see, nagpunta ako dito kanina."

"Ininit mo lang. Hindi nakakapagluto ng ulam sa maiksing oras."

"Okay." aniya at humalakhak. "Ininit ko lang pero ako ang nagluto. Swear."

Inismidan ko lang sya. Fine. Whatever.

Tahimik kaming kumain. Bukod sa tunog ng mga kubyertos, mga pagbuntong hininga nya ay wala na akong ibang naririnig.

Every second I am taking a glance of him. He is plastering a grin, lalo na kapag naabutan ny ang titig ko. I can't help to stare though.

Minsan, hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba ang pagiging observant ko o hindi. I can see in his eyes the mixture or pain and sorrowness.

Kung titingnan mo sya sa lagay nya ngayon ay para lamang syang isang normal na tarantadong mahilig gumawa ng gulo. But if you're going to look at him closely, seeing his true feelings, I can tell that there is more behind that bruises.

Tinulungan ko syang magligpit. Inasar nya pa ako na baka daw hindi ako maalam. Inirapan ko lang sya. Matapos nun ay tahimik ulit. Hindi ako sanay.

Nagpunta kami sa sala at binuksan ang TV. Iyon na lang ata ang tanging ingay sa buong condo unit. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid,  mukhang sya lang mag-isa ang nakatira dito.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon