Chapter 3

61 2 0
                                    

"Bitch."

Napangisi ako ng marinig ko ang sinabi ni Laura. Magkasabay kami ngayong dalawa na naglalakad sa hallway papasok sa school.

She insisted it though. Nagulat na lang ako na hinihintay na nya pala ako sa gate kanina.

"God!  Nakakainis."

Nilingon ko sya ng hindi na ako makatiis sa pagra-rant nya. Nakita ko ang naiinis na ekspresyon nya habang nakatingin sa kung saan.

Sinundan ko kung saan sya nakatingin at nakita ko ang isang babae na kausap ang isang varsity player. Ibinalik ko ang tingin ko kay Laura tapos ay sa dalawa at kay Laura ulit.

Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang itsura ni Laura na para ng papatay ng biglang naghalikan ang dalawa.

"Laura." banggit ko sa pangalan nya. Hindi ko pa man natutuloy ang sasabihin ko, nagulat ako ng bigla nya na lang akong hatakin.

Kagat labi akong sumunod sa hatak nya. What the hell is wrong with this girl? Hindi ba nya alam na mabigat ang mga bitbit ko? Isa pa bakit ba bigla bigla na lang syang nanghahatak?

Tumigil kami ng makarating kami sa tambayan ko which is the school's garden.

"Hey! Laura let me go!" inis na singhal ko.

"Sorry!" sabi nya at agad akong binitawan. Tiningnan ko sya ng nanlilisik ang mga mata at hinawakan ang palapulsuhan ko. Seriously?  Ang higpit ng hawak nya.

Hindi ako nagsalita at pinanood ko lang sya na maupo sa isang bench at bumuntong hininga ng bumuntong hininga.

Like her,  I took a deep breath before walking towards her.

"Spill it." I said as I sat down beside her. Umaangat naman ng tingin nya sakin at alam ko na ngayon na naluluha sya.

She bit her lower lip before looking away.

"He's my ex." pag-uumpisa nya.

Tumango tango naman ako. Siguro yung varsity player ang tinutukoy nya. But wait, sino yung babaeng kahalikan noong ex nya kanina?

"And the girl is my ex bestfriend. "

Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sinabi nya. Ibig sabihin yung nakita namin kanina at ang ex-boyfriend at ex-bestfriend nya. Napangisi ako. Interesting.

"Chloe and I are so close before.... Sobra na parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Then Jed entered the picture. Naging magkaibigan kaming tatlo, at niligawan ako ni Jed. Hanggang sa maging kami. But then nag-iba si Chloe. Palagi kaming nag-aaway dalawa. Nalaman ko lang na may gusto pala sya nun kay Jed ng mahuli ko silang dalawa na naghahalikan. Shit lang Avi. Ginagawan nila ako ng masama behind my back! May balak pa si Jed na i-two time ako. Mabuti na lang at nahuli ko agad sila. And you know what makes our story more interesting?  Jed is courting me for almost 6 months bago naging kami last month. At nahuli ko silang dalawa a week ago. At ngayon sila na? Wow. Just wow. What a bestfriend right?"

Hindi ako umimik at nanatili lang akong nakatanaw sa harap. Observing the flowers and butterflies. Hindi ako umibo until I heard her cry.

"Ang sakit Avi! Kung sino pa yung hindi ko inaasagang mangta-traydor sakin sya pa yung gagawa nun."

I remained silent. Kinukwento nya naman lahat ng sama ng loob nya sakin habang nakikinig lang ako sa kanya. It took almost an hour before she calm herself down.

"Im sorry Avi." sabi nya at pinunasan ang mga luha sa pisngi nya.

Huminga ako ng malalim at inayos ang salamin ko bago ako humarap sa kanya.

"Now I get it. You want me to be your friend because ---"

"No! " she exclaimed. Mariin ko syang tiningnan. Kita ko ang frustration at inis na rumehistro sa mukha nya.

"I already told you! Matagal na nga kita gustong maging kaibigan hindi dahil sa kung anong iniisip mo na baka ginagamit lang kita dahil wala na akong kaibigan. Matagal na, even before pero pinipigilan ako ni Chloe because according to her, you don't deserve to have a friend. Stupid right. Sa nakikita ko mas maayos pa kung ikaw ang magiging kaibigan ko at hindi ang tulad nyang ahas! Kaya please lang, wag kang mag-isip ng kung ano-ano!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. She suddenly burst out without letting me finish what I am saying. Tiningnan ko sya na binibigyan ako ng isang tingin na parang papatayin nya na ako sa tingin nya.

Humalukipkip ako at tumayo. I cannot believe this girl.

"Bakit hindi mo muna ako patapusin sa sasabihin ko bitch?" mataray na sabi ko.

Umirap naman sya sakin at tiningnan ako ng mariin.

"Ano ba kasi yun?"

I sighed. "Payag na ako."

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Payag saan?"

"To be your friend. " walang emosyong sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nya at nagulat ako ng bigla nya na lang akong niyakap. I tried to push her away pero ayaw nyang kumawala. At the end hindi na rin ako nagpumiglas pa. I feel her warmth. So ganito pala ang yakap ng isang kaibigan huh?

"Gosh! Pinakaba mo ako kanina." natatawang sabi nya.

"Don't conclude things that fast. I just want to say that I now get you. Pareho na tayong may trust issues kaya ayos lang na maging magkaibigan tayo dahil alam natin ang pakiramdam ng naloloko ng mga kaibigan." sabi ko at nginitian sya.

Napangiti sya sa sinabi ko. This is my first time giving a genuine smile to a friend.

"So? I am now officially friends with the nerdy bitch?"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Yes." I said while grinning.

***

Naglalakad ako pabalik sa room namin dahil naiwan ko ang libro ko kanina. Uwian na at kakaunti na rin ang mga tao. Isa pa wala na din masyadong students sa floor na to ng building namin dahil mag-gagabi na rin.

Nauna na naman si Laura ng pag-uwi sakin dahil magkaiba kami ng schedule. Maaga sya nakauwi samantalang ako ay gabi pa ang labasan.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa tahimik na hallway ng makarinig ako ng kaluskos. Tumigil ako para tinginan kung ano yun pero bumungad sakin ang tahimik na pasilyo. No one is there.

Agad akong ginapangan ng kaba. I hate this kind of feeling. Matatakutin ako pagdating sa mga multo. Mas binilisan ko ang paglalakad ko papuntang classroom namin. Pagkadating ko dun ay agad kong binuksan ang ilaw at nakahinga ng maluwag sa liwanag.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang libro ko sa ibabaw ng desk ko. Lumapit ako para kuhanin yun. Hindi pa man ako nakakahakbang may naramdaman na agad ako.

Shit.

Nilingon ko ang pintuan pero wala akong makitang kahit sinong tao sa labas. Kumurap kurap ako at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko. Binilisan ko ang kilos ko at dali-daling kinuha ang libro ko.

Agad kong nilagay iyon sa bag ko at isinukbit ito sa likod ko. Stupid Avi. Dapat bukas mo na lang kinuha yang libro mo!

Akmang maglalakad na ako paalis ng biglang namatay ang Ilaw. Napatili ako sa gulat.

"Shit. Whoever you are mapapatay talaga kita. Swear." mariing banta ko kahit kinakabahan na ako.

Nangangatal na binuksan ko ulit ang bag ko para kunin ang cellphone ko bilang ilaw ng may biglang humtak sakin.

"What the hell --!"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nya ang ipako sa dingding. I cannot see his or her face dahil total darkness ang nakikita ko.

Pero ramdam kong sobrang lapit nya sakin. Itutulak ko na sana sya palayo ng may maramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng narealize ko ang ginagawa nya.

Shit...

Someone is kissing me!

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon