Chapter 43

28 1 0
                                    

Chapter 43

"Good morning!" nagising ako sa biglang paglundag ni Laura sa kama ko. Dinaganan nya ako at pilit tinanggal ang kumot ko.

"Go away Lau!" inis na sabi ko.

"Gising na! It's Sunday!  We're going to church early." aniya.

Napahikab ako at kinusot ang mata ko. Naiinis na bumangon ako. Tiningnan ko sya ng masama pero nginisian nya lang ako. I pointed my side table kung nasaan ang alarm clock ko.

"Nag-alarm ako. Pero nauna ka pa manggising sa alarm clock ko." seryosong sabi ko.

Napabaling din sya sa alarm clock ko. Namilog ang labi nya at pekeng tumawa.

"Ah, haha. Ganon?"

Hindi ako sumagot. Instead I just stared at her. Tumayo sya sa kama ko at inayos ang buhok nya.

"Well then, good morning sis. See you later." aniya at nagnamadaling umalis sa kwarto ko. Pinagmasdan ko sya hanggang sa makaalis sya. Napabuntong hininga ako.

Another annoying morning because of her. Noong isang araw ay halos atakehin ako sa puso dahil sa pagkalampag nya sa pintuan ko. She's an early person. At gustong gusto nyang ginigising ako.

Annoying step sister.

Napangiti ako sa ideyang yun. Who would have thought?  It's been a month since I move in their house. Hindi ako makapaniwala noong una. I hesitated at first. Ayoko.

But Papa and Laura insisted. Mabait din si Tita Lorena sa akin. At ayokong mag-inarte pa gayong mabait sila. And ever since I went here, everything has change.

No more lonely Avi, no more silent nights, no more alone Avi. Because this time,  I already have a family.

Napapikit ako.

'Thank you God' i whispered inside my head.

Mariin akong nakapikit habang nagdadasal. I've only dreamt for it. Sobrang imposible dati pero andito ako ngayon. I know, mama is happy for me.

Alam kong masaya sya na may pamilya na ulit ako. Na hindi ma ako mag-isa, na may mag-aalaga na sa akin. Nevertheless she's my first family. At hinding hindi ko yun kakalimutan.

Sinulyapan ko ang cellphone ko na may mensahe ni Drice. Napangiti ako ng mabasa ko yun.

Drice:

Good morning my princess. I love you.

Parang hinaplos ang puso. Palagi na lang. He never fails to make me smile and to make my heart hurt because of euphoria.

Nagtipa ako ng reply sa kanya bago ako nagdesisyon na maligo at magbihis na.

Naabutan ko sina Papa na nasa hapag na nung bumaba ako. Nag-angat sila ng tingin sa akin.

"Good morning hija." Tita Lorena greeted me. I smiled politely.

"Morning." bati ko at naupo na sa upuan ko.

Unusual. Ganyan ko madedescribe ang breakfast na to. Actually since my first breakfast with them, it felt very unusual. Sanay kasi akong mag-isang kumakain mag-isa. But now, I didn't have to deal with that.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na kami sa simbahan. Then we went to a restaurant to have lunch and stroll in the mall.

Until now, I still can't believe this. Ganito pala ang feeling ng may pamilya.

"Avi!"

Nilingon ko si Laura ng tawagin nya ako.

"What?"

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon