Chapter 22

37 1 0
                                    

Chapter 22

Gulong gulo ang utak ko. I know that I should not make this a big deal. I have so many problems to deal with. So many issues to face, at nakadadagdag lang ito.

Isang maliit na bagay na pilit na ginugulo ang utak ko. Pero kahit gaano ko man ituring na maliit ito, may parte saking nagsasabi na malaki ang epekto nito sa buhay ko.

I sighed.

"I'm sorry. Ang haba ng pila."

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. He is smiling at me. I wonder if it is true or not. I wonder if he's actions are sincere or for just a show. Masyado na akong nababagabag. And I don't like it. I don't like the idea of me being bothered by him.

"Quit staring."

Nagulat ako ng bigla nyang pinitik ang noo ko. Napakurap ako sa ginawa nya. Narinig ko ang mumunting halakhak ni Laura sa kabilang gilid. Doon ko lang napagtatanto na kanina pa pala ako nakatitig kay Drice.

Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Gutom na ako." tanging nasabi ko na lang. Nakita kong pang lumawak ang ngiti ni Drice sa sinabi ko.

"Okay. I'll feed you."

"What the Fuck dude?!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Rem sa malapit.

Napapikit din ako sa inis. What the hell is he saying? As long as I remember, I am not a baby that needs to be feed by him.

Gaya ng sabi ni Rem, what the Fuck?

"What?" inosenteng tanong nya at binalingan ang kaibigan. Tiningnan lang sya ng masama ni Rem at maya maya pa ay sinalat ang noo nito. Natatawang hinawi lamang ito ni Drice.

"I'm just checking if you're sick. No. You're making me sick. Ayus ayusin mo nga." ani Rem.

Humalakhak lang si Drice. Tumikhim ako at umayos na lang ng upo. Napatingin ako kay Laura na ngayon ay tahimik lamang sa isang gilid at nakatitig kay Rem.

"Lau?" tawag ko sa atensyon nya. Napakurap sya at napatingin sakin.

"B-bakit?" aniya at sumulyap pang muli kay Rem na ngayon ay nag aayos na ng pagkain nya.

"Kain na." sabi ko.

"Oh. Okay." aniya at kumain na din. Napatingin ako kay Rem na kumakain na din naman. Nagkibit balikat na lamang ako.

"Aviana, kain na." halos malaglag ako sa upuan ko ng marinig ko ang bulong ni Drice sakin.

"What the hell?!" mahinang bulyaw ko. Napailing na lamang si Rem sa amin habang si Laura ay nangingiting nakatingin.

Nasapo ko tuloy ang noo ko. Ang gulo din ng babaeng to minsan. May oras na ayaw nya akong nalalapit kay Drice pero may oras ding nang-aasar sya.

"Kumain ka na nga lang. You're annoying." sabi ko kay Drice at bahagya syang tinulak palayo. Natawa sya sa ginawa ko pero hindi na din naman nagsalita.

Nag-usap sila ni Rem tungkol sa practice game nila at ang pagpaparusa sa kanila ng coach nila dahil sa biglang pagkawala ng team captain nila.

"I have important things to do." pagdadahilan ni Drice bago sumimsim ng juice.

Napatingin naman sa gawi ko Rem kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"I can see that." tanging sagot nya sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tiningnan ko si Laura at nahuli ko sya na nags-space out. At some point, nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. I know that she has a problem right now and I can't do anything to help her. I still wonder, who is the girl she's talking about?

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon