Chapter 35

29 2 0
                                    

Chapter 35

Tahip tahip ang kaba sa dibdib ko habang naglalakad ako sa hallway ng school namin, pero ni minsan, hindi ko ito pinahalata.

I am aware of the shock of all the students looking at me. I am wearing a simple t-shirt and jeans, since hindi naman required na mag uniform kapag intrams. Plus, my looks. Hindi naman ako masyadong nag-ayos. It's just that, nakalugay ang manipis kong buhok na dati ang naka tirintas at wala ang makapal na salaming tumatabing sa aking mukha.

I'm not comfortable. I am hearing murmurs, whispers, or even shameless talks about me. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng atensyon. Mas gusto ko pang nilalait kaysa sa biglang purihin.

Though there are still other, who've I heard, calling me desperate for changing just to get attention.

"Whoa. A-Avi?" natigil ako sa paglalakad ng harangin ako ng mga kaklase kong lalaki.

Using my usual cold expression, my brow shot, anticipating for what is he going to say.

Nakita ko ang gulat sa mukha nya nang pasadahan akong tingin mula ulo hanggang paa.

Tumikhim ako.

"What?"

Napakurap sya nang kuhanin ko ang atensyon nya. Gayundin ng ang mga kasama nya.

"You... Ang ganda mo." manghang sabi nya.

Nag-iwas ako ng tingin. I'm not used to in hearing those words.

"Paniguradong mananalo tayo Avi." sabi nung isa.

I never really remember their name for they are not important to me. Isa pa, ang plastic huh. Paano pa kami mananalo e late nga ako sa introduction of candidates kanina?

"I need to go." paalam ko para makaalis na.

"S-sige. Goodluck Avi!" sigaw nila.

Napabuntong hininga ako.

See how can a pretty face change anyone's affection towards you? I cannot remember them being that friendly to me since then. I wonder if will treat me like this if I am still the same geeky looking Avi.

I highly doubt it.

Dumeresto ako sa garden upang kumain ng breakfast dahil hindi ako nakakain sa pagmamadali ko.  Una kong plano ang kumain sa cafeteria pero hindi na lang. Hindi naman ako mabubusog sa mga titig ng pagtataka nila.

Hindi na din ako nagtangkang pumunta sa gym dahil alam kong wala na akong aabutan dun. Ang alam ko ay pagkatapos ipakilala ang candidates ay mag poproceed muna sa sports at mamaya pang hapon uumpisahan ang mismong pageant.

I took a glance at my phone and I am not shocked when my friends bombarded me messages.

Laura:

Nasaan ka na?

Laura:

Gosh! Nas-stress ako sayo Avi!

Laura:

Nagsisimula na.

Rem :

See you, Avi.

Drice:

Good morning princess.

Sinarado ko lahat ng messages nila. Kung normal na taon lang to para sakin, hindi ako makakareceive ng text message sa kanila. Siguro nasa bahay lang ako maghapon at nagbabasa imbes na pumasok pa.

I silently ate my breakfast. I never dare to take a glance on our gym. Paniguradong nagsisimula na ang mga sports at mamayang hapon pa ulit ang pageant. For sure the other candidates are also eating or resting. Habang ang iba naman ay nasa gym at nanonood kaya wala ding masyadong tao.

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon