Chapter 50

32 2 0
                                    

Chapter 50

"Good morning Xene!" napatalon ako sa gulat ng bigla akong halikan ni Beth sa pisngi.

I was looking at the veranda when she suddenly appear. Malaki ang ngisi nya at parang may kalokohan syang gagawin.

Inirapan ko sya at saka nag-iwas ng tingin.

"Morning."

Napasimangot sya at umismid sa akin.

"Ang cold mo talaga!" inis na sabi nya. Nag-kibit balikat lang ako at humigop sa mainit na tsokolate ko.

Malapit na magpasko. Masarap dito sa Batangas dahil malamig. Napaka-refreshing ng hangin.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Beth at pinagdikit ang balikat namin.

"So, kamusta ka naman?"

Nagulat ako sa tanong nya. I look at her with disbelief habang sya ay nakatitig lang sa kawalan. Where are this coming from?

"Kung makapagtanong ka naman parang hindi tayo magkasama sa iisang bahay."

Binalingan nya ako at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

"Ilang araw ng malalim ang iniisip mo insan. Tungkol ba ito kay Drice?"

Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong nya. I looked away. I feel the sudden pang in my chest.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Mahal mo pa sya." she stated.

Tumitig ako sa kawalan. Kailan ba nawala yun? Hindi naman ata.

"At mahal ka pa din nya."

"Imposible yun." maagap na sabi ko.

Napapikit ako at dinama ang ihip ng malamig na hangin. Eto na naman ako. Nakakatakot.

Unti unti na naman akong umaasa na baka nga totoo yung sinasabi nya. Pero imposible na.

I've hurt him enough to just forget me. Sinaktan ko na sya ng lubusan na alam ko, hindi na nya ako kayang mahalin katulad ng dati.

And yes, I regret it. Pinagsisihan ko na yung ginawa ko. Pero ginawa ko yun para iligtas sya sa akin.

Our relationship isn't healthy. Magse-self destruct sya kung patuloy nya akong minahal. At hindi ko hahayaang makalimutan na nya ang sarili nya para sa akin.

"He texted me."

Napalingon ako kay Beth sa sinabi nya.

"Sabi nya, magkita daw kami. Pupunta sya dito sa Batangas."

Umawang ang labi ko sa gulat. Did I heard it right?

"B-Bakit?"

She heave a sigh.

"Sabi nya, hang out lang daw. But I doubt it. Nabanggit ko sa kanya na kasama kita. And maybe, he's making his way back to you."

Napalunok ako. Halos hindi ako makahinga sa tindi ng kaba na nararamdaman ko. Matagal na din simula ng huli ko itong maranasan.

"T-That's impossible. Kung pupunta sya dito, baka nga ay dahil gusto ka nyang makasama. Hindi dahil sa akin. At kung papupuntahin mo sya, ako na lang ang aalis. He can't see me. Hindi pwede." naiiling na sabi ko.

Narinig kong humalakhak si Beth at natigil ako sa iniisip ko. Tinapunan ko sya ng masamang tingin. Pinagti-tripan nya ba ako?

"Chill cous. Hindi ko sya pinapunta dito syempre. Kasi magkikita at magkikita naman kayo diba?"

A Lousy GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon