Chapter 3
Perfect Picture
Nang makabawi ako sa gulat ay mabilis akong umalis sa bookstore. Wala na rin naman akong gusto kundi ang librong nakuha na ng iba.
Hindi na rin kami nagtagal ni Doll sa mall at umuwi na rin.
Idinaan ko muna siya sa school para makuha ang sasakyan niya. I was about to drive out of the school when I saw a guy opening Elle's car.
Napakunot naman ang noo ko.
I recognized him as one of the guys na kasama nila Phoenix at Winter kaninang lunch.
He has narrow and sharp eyes, dark brown hair, and is fair-skinned. Chinito ito at medyo may kaliitan kumpara sa mga kaibigan niya. His sharp eyes made him look unapproachable.
Anong ginagawa niya sa sasakyan ni Elle? At bakit nandito ang sasakyan ni Elle? Bumaba ako ng sasakyan upang komprontahin siya.
Hindi naman siguro siya carnapper, hindi ba?
"Hey!" pagtawag ko sa kanya. Napalinga-linga naman siya at noong hindi ko na siya tinawag ay unti-unti siyang pumasok sa driver's seat ng sasakyan.
"What the hell are you doing?" I asked. Napatanga naman siya. Nilagay ko ang kamay ko sa aking bewang at tinaasan siya ng kilay.
Mukhang natakot naman siya at tumayo ng maayos.
"Anong ginagawa mo sa sasakyan ng kaibigan ko?" malamig kong sabi. Napakagat naman siya sa labi niya. Nagmukhang maamo ang mga mata niya.
"I was asked by my friend to pick this car up at iuwi ito sa bahay nila Elisa," napakunot naman ang noo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako.
Pero ano naman mapapala niya sa pangcacarnap ng sasakyan ng kaibigan ko? I bet he has cars which are way better and way costly than Elle's car.
"Sinong kaibigan?" tanong ko. Napalunok naman siya. Nag-aalangan siyang sabihin kung sino ito.
I'm starting to doubt Elle. Baka naman ay may koneksyon ito sa kung bakit siya umalis ng maaga kanina. Maybe she's dating someone sa group of friends nila Phoenix? Or worse, maybe she's dating Phoenix?
"Hindi ko pwedeng sabihin eh," maamo niyang sabi. He's starting to sweat. Tinanong ko lang naman kung sino what's the big deal? Bakit siya kinakabahan? Nilamigan ko ang titig ko sa kanya. Mukhang gumana iyon dahil napabuntong-hininga siya.
"Si Lucas," he reluctantly said. Isn't that the guy with Phoenix and Winter earlier? Ano namang koneksyon nito kay Elle? At bakit takot na takot ang batang ito na sabihin iyon?
"That was easy, wasn't it?" napairap ako sa kanya. Napanguso naman siya.
"Nakakatakot kasi kayo parehas ng kaibigan mo kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko," sabi pa nito.
Gone was my first impression of him dahil sa matalim na mata niya. He's actually child-like. Parang napakainosente at mabait. Hindi kagaya ng kaibigan niyang nangunguha nalang ng libro.
I mentally rolled my eyes.
"Uhm, Safira? Huwag mong sasabihin na sinabi ko sayo na si Lucas ang nag-utos sa akin, ah?" sabi niya with hope in his eyes.
Tumango nalang ako at napangiti naman siya.
"This will be our dirty little secret," nakangisi niyang sabi at kumindat pa sa akin.
Tamad na napairap nalang ako at bumalik na sa aking sasakyan.
I'm finally going home.

BINABASA MO ANG
Frozen Fire
RomansaSafira Victoria Alegre can be mistaken for an arctic ice sculpture, standing tall and looking down on everyone with its icy cold eyes. She knew better than to be dependent on temporary feelings which could easily change. However, life seems to have...