Chapter 19
Sit
"What's happening here?" Napalingon kaming lahat sa babaeng nagsalita.
"Oh my god!" she exclaimed when she saw the smoking and burnt pancake. Her eyes widened as she looked at the pan containing them. Sa tabi niya ay si Winter na nagpabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Phoenix.
I rolled my eyes.
"Nasunog," I said nonchalantly. I leaned by the kitchen island. Ano pang magagawa ko eh sunog na?
Lumapit siya at kinuha ang pan na may lamang maitim at nakakadiring pancake. She smiled at me apologetically before throwing the burnt pancakes away. I don't mind though, alangan namang ipakain ko sa kanila ang sunog na pancakes baka maakusahan pa ako ng food poisoning.
"I'll just cook nalang, may natira pa namang ingredients," she said kindly. She smiled at me then proceeded to preparing another batch of pancake mix. Winter went beside her and asked if she need his help. Umiling naman siya at nginitian lang ang nobyo.
"Go and entertain your visitors," mabait na sabi nito. Winter just nodded at her and kissed her temple.
They look so perfect for each other. Deserve nila ang isa't isa. They're both kind and sweet. Kaso lang may siraulong predator na nakaaligid sa kanila.
"What are you guys doing here?" Winter asked. Mukhang unexpected rin ang pagbisita ng mga kaibigan niya.
"Well, we all had the same dismissal time so we decided to drop by and a little birdy told us that you were with Safira and we got curious so..." Connor said. He didn't continue his sentence and just shrugged.
Lumingon naman siya sa mga kasama niya.
"Tara sa sala! Dibs on the sofa!" maligalig na sabi ni Connor at tumakbo na papunta sa sala.
The brown haired, dimpled guy scowled.
"Hoy, Connor!" tawag nito at tumakbo na rin sa sala. Sumunod na rin sa kanya ang isa pang lalaki.
I looked around and saw Phoenix still looking at me.
Ako na ang naunang mag-iwas ng tingin at lumakad na patungong sala. Ngunit bago iyon ay hinawakan ni Winter ang aking braso dahilan kung bakit ako natigil sa paglalakad.
"Are you okay?" tanong niya, concern is etched all over his face.
Tinanguan ko lang siya at pumunta na rin sa sala.
Nakita ko roon ang dalawang lalaki na nagbabangayan. Connor was sprawled on the couch, and the brown-haired guy was standing in front of him with crossed arms.
From their conversations, napag-alaman kong mag-oovernight sila dito dahil nasa business trip and parents ni Winter at nasa grandparents naman niya ang dalawang nakababatang kapatid na lalaki at babae at doon muna maninirahan pansamantala hangga't sa dumating na ang parents nila. Naiwan lang dito si Winter para may tao naman sa bahay.
"I got here first, Lucas!" sabi ni Connor na ngayon ay sinisipa na ang kaibigan na nagpupumilit na maupo sa couch na inuupuan ni Connor.
"Doesn't matter, this isn't your house," sabi naman ni Lucas at patuloy na sinisipa sipa si Connor.
Lucas.
Naalala ko ang minsang nakita ko si Connor na kinuha ni sasakyan ni Elle.
"Fucking childish," sabi ng lalaking dumaan sa gilid ko at naupo sa pang-isahang sofa.

BINABASA MO ANG
Frozen Fire
RomantikaSafira Victoria Alegre can be mistaken for an arctic ice sculpture, standing tall and looking down on everyone with its icy cold eyes. She knew better than to be dependent on temporary feelings which could easily change. However, life seems to have...