Chapter 12
Girls
Nagising ako na isa nalang ang katabi ko.
Nakarinig naman ako ng pagbagsak ng tubig sa banyo. Baka naliligo na si Elle.
Kinamot ko ang aking mata at kinuha ang cellphone ko sa bedside table.
It's already 10 in the morning at Sabado na.
Thank God. This week felt like one whole year. Unang linggo palang ng school year ay naiistress na ko at dahil lang iyon sa isang ibon.
Lumabas na ng CR si Elle kaya't ako naman ang naligo. I took a bath for about 15 minutes and settled for a simple white shirt and black shorts. Paglabas ko ng banyo ay tulog mantika pa rin si Madolle.
"Gisingin mo na yan, Elle," sabi ko habang nagsusuklay.
Ginising naman ni Elle si Madolle pero kahit anong gising niya ay di ito bumabangon. Sinipa niya nalang ito hanggang sa mahulog sa kama. Napadaing naman si Doll.
"Aray naman!" sigaw nito. Napahalakhak naman kami ni Elle.
"Tulog mantika ka kasi!" ani Elle. Tinignan lang kami nito ng masama at bumangon na rin. Dumiretso siya sa duffel bag niya at kumuha na ng damit.
Pumasok na siya ng CR at naligo na rin.
Pagkalabas niya ng banyo ay bumaba na kami para kumain. Nandoon naman sa hapag ang aking mga magulang at si Saffron.
"Oh, join us," anyaya ng aking ina. Umupo naman na kaming tatlo at nagsikain na.
Tahimik lang kami hanggang sa magsalita ang aking ina.
"How's school?" she asked.
"It's been great so far, Tita. Although marami na ang pinapagawa kahit first week palang," magalang na tugon ni Elle.
"That's great. At least you're enjoying," she said as she cut a portion of her steak. Napatingin naman ulit ito sa amin pagkatapos nitong sumubo. "How about maintrigang tanong nito.
Nagkatinginan naman kaming tatlo. Itinaas ko lang ang kilay ko dahil wala naman akong maiaambag sa usapang ito.
"I'm single, Tita," tugon ni Elle na medyo may pag-aalinlangan.
Ah, I see. It's the 'it's complicated' type of relationship.
"I'm—" panimula ni Doll. Ilang saglit siyang napatigil at napatingin sa kawalan nago ulit magsalita.
"I'm having fun," sabi nito habang nakangiti. Mom just laughed, getting what she was insinuating.
"Oh, how I miss my young adult days," she said while clasping her hands together before continuing, "and pinning over my crushes."
Her eyes suddenly trained towards me, as if expecting me to answer to. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. They were also looking at me as if wanting me to tell a story.
"I just broke up with Xavier, 'di ba?" pagpapaalala ko. My mother's eyes widened in recognition.
"Oh yeah! That boy was nothing but nice. Why did you even break up?" she asked. I just shrugged. Mother just sighed and chuckled.
"Anyway, for as long as you know your responsibilities and you don't neglect them, what's wrong with enjoying life, 'di ba?" She took her glass of water and drank from it.
Tumango tango naman si Doll.
"How about you, Saffron. May boyfriend ka na ba?" istriktang tanong ng aking ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/178865552-288-k184565.jpg)
BINABASA MO ANG
Frozen Fire
Roman d'amourSafira Victoria Alegre can be mistaken for an arctic ice sculpture, standing tall and looking down on everyone with its icy cold eyes. She knew better than to be dependent on temporary feelings which could easily change. However, life seems to have...