Chapter 10
War
Pumasok na ako sa susunod kong klase at nagpalipas ng oras doon na nagdadrawing. Alam ko na naman na halos lahat ng itinuturo ng propesor. Kung pwede lang ay ako nalang ang nagturo ng mga iyon dahil halata namang hindi na ito maituro ng maayos.
I still don't understand how teachers who are not competent enough to teach is hired in universities as prestigious as Mondragon. Pagpasok ko rito ay akala ko wala na akong maeencounter na mga gurong hindi man lang maituro ng maayos ang mga subject nila. Hindi pala.
Halos irapan ko ang teacher nang matahimik siya sa harap dahil hindi niya mailahad ang gusto niyang sabihin gamit ang Ingles. Pwede naman kasing magfilipino pabibo rin 'tong si sir eh.
Natapos ang klase na naiinis ako dahil parang nagsayang lang ako ng isang oras ng buhay ko. Paglabas ko ng klase ay isang hindi inaasahang mukha ang bumungad sa akin.
Agad naman akong naglakad paalis doon.
"Woah, wait up, queen," sambit nito at hinabol ako. Binilisan ko naman ang paglalakad ko pero dahil sadyang mahahaba ang bias niya ay naabutan niya pa rin ako.
"What do you want now, Phoenix?" iritang tanong ko. Nginitian niya naman ako. His green eyes were twinkling.
"I see what you're trying to do, Alegre," he teased. I crossed my arms and faced him. Tinaasan ko ito ng kilay.
"What do you mean?" I asked.
"Trying to seduce lover boy. Akala ko ba ay hindi mo ko tutulungan?" tanong niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya. Inilebel ko ang aking mukha sa kanya.
"You're not worthy of anyone's help, Phoenix." Nakita kong nagdilim ang kanyang mga mata. Nagtagal kaming ganun hangga't sa binawi ko ang aking tingin at tumalikod sa kanya.
"Oh, one more thing," sabi ko at mabilis na humarap sa kanya. Wala pang isang segundo ay lumapat na ang aking kamao sa panga niya kung saan siya may pasa. Malakas naman siya mapadaing.
Mabilis akong tumalima ng takbo pinipigilang tumawa. That felt amazing.
Pagkatapos ng kaganapang iyon ay dumiretso na ako sa susunod kong klase. Ngunit noong napagtanto kong late na ako ay tumambay nalang ako sa may garden ng Mondragon. Wala masyadong tao dahil ang karamihan ay nasa klase na.
I wore my earphones and took the book that I am currently reading out of my bag. Aiscelle.
Ito yung librong inagaw sa akin ni Winter doon sa bookstore. Napangiti naman ako nang maalala iyon. Sa wakas ay dumating na rin ito ay nasimulan ko nang basahin. It was about a guy who was left behind by the love of his life during their wedding.
Ilang sandali pa ay may umupo sa tabi ko kaya naman ay napaurong ako.
"Hi!" Napatingin naman ako sa tumabi sa akin. Nagulat naman ako nang makita ang pamilyar na chinito. Tinanggal ko ang isa sa aking earphones para marinig siya ng maayos.
"What are you doing here? Don't you have a class?" I asked. He chuckled.
"I was about to ask you the same thing," sabi niya at biglang tumayo. Bigla siyang pumunta sa may malaking puno at umakyat doon. Napanganga naman ako sa ginawa niya. Baka mahulog siya! 'Pag namatay siya ako lang ang makakakita!
"Hey! What are you doing?!" medyo natatarantang tanong ko sa kanya at napatayo na rin.
"Don't worry, Princess. Lagi ko 'tong ginagawa," he said confidently. Naupo pa siya sa isang sanga ng puno. Hindi naman ako mapakali.

BINABASA MO ANG
Frozen Fire
RomanceSafira Victoria Alegre can be mistaken for an arctic ice sculpture, standing tall and looking down on everyone with its icy cold eyes. She knew better than to be dependent on temporary feelings which could easily change. However, life seems to have...