-Reunion-
"Tara na Dhara, ang tagal mo! Malayo pa yung pupuntahan natin, wag kang pa-VIP." Sigaw nung asungot kong kuya na nasa labas ng kwarto ko.
Hindi kasi ako maka decide sa susuotin ko kaya I end up wearing jeans and a shirt tapos jacket at old school. Yak, mukha akong jejemon. Lumabas na ako at tama nga ang hinala ko, nasa labas lang yung asungot.
"What the fuck?! Dhara Alisha! Nagbibiro kaba? Anong klaseng suot yan?! San ba sa tingin mo tayo pupunta?!" Napatakip ako sa tenga ko sa sobrang tinis ng boses niya. Hello! Rinig na rinig ko kaya siya, ang lapit lang namin oh.
"Hindi ba obvious? Malamang pantalon. At alam kong pupunta tayong reunion." Sagot ko at inirapan siya, hinila niya ako pabalik sa kwarto ko at hinalungkat ang drawer ko.
Ginagawa mue?
Kinuha niya ang isang off shoulder na red dress ko at yung isang flat shoes na color peach. "Suotin mo 'to, wag kang magdala ng kahihiyan." Masungit niyang sabi at pumunta sa table ko.
Kumuha siya ng mga kwintas at earings, siya na mismo ang naglagay ng mga yun sakin at tiningnan akong mabuti bago lumabas. "5 minutes, nasa labas kana ng gate." Pahabol niya bago binagsak ang pintuan sa kwarto ko.
Maawa ka kuya! Haaay! Susuotin ko talaga to? Okay lang yan, ngayon lang naman.
Lumabas nako pagkatapos kong mag ayos dahil baka iwanan pako netong asungot nato. Ang gwapo ng kuya ko! Naka tuxedo siya, ngayon kolang napansin kasi nagsisigawan kami kanina eh.
"Ayan, nagmuka kanang babae. Ang dugyot mo kasi." Sabi niya at pumasok sa kotse. Edi waw.
"Ay, ang gentleman mo sa part na yan prend ah?" Bulong ko at pumasok na rin sa kotse.
Nagsimula ng magmaneho si kuya papuntang venue ng reunion. Bat ba kasi nauso uso tong mga reunion nato? Tsaka bat ba kasi ako iniwan nila mama dito sa mabait kong kuya? Huhu, kawawa na naman ako dito sasai kanya eh.
"Ayusin mo nga yang mukha mo, naka busangot ka na naman, tadyakan kita dyan eh." Sabi niya kaya inayos ko rin kunwari ang mukha ko. Edi waw!
So, ako nga pala si Dhara Alisha Harris. 18 years old, nag-aaral sa Northwood Valley International School or mas kilala bilang NVIS. Graduate na si kuya last year at ngayon ay may trabaho na siya, isa na siyang engineer. 22 years old na siya.
Ay yung name niya pala ay Hunter Aiden Harris. Taray ng pangalan noh? Kasing taray niya. Tapos may bunso kaming kaka enter lang ng high school life. Grade 7, si Lance Ashly Harris.
Si mama, secretary ng isang famous doctor sa Pinas kaya madalas mag out of town si mama kaya laging kami nalang ni Lance nag naiiwan sa bahay kasama ang isang katulong.
Si papa naman nagmamay ari ng isang fastfood restaurant at maraming branches na ang napatayo sa iba't ibang sulok ng pinas kaya bihira lang kaming ma kumpleto. Pati na rin kasi si kuya may trabaho na, malayo pa yung headquarter niya. Tapos may dun na siya nakatira sa pinsan namin.
Haay, na mimiss ko tuloy siyang kasigawan.
"Hoy, tinatanong kita, kamusta na yung pag-aaral mo?" Tanong niya na nagpabalik sa huwisyo ko.
"Kalma ha? Kaka start palang ng pasukan yan na agad ang tanong mo." Sagot ka na ikina salubong ng mga kilay niya.
"Hoy ikaw ha, ayos ayusin mo nga yang pagsasagot mo, ang bastos mo." Napairap ako sa sinabi niya, kung makapag salita akala mo kung sinong hindi bastos. Edi waaaaw!
"Hoy ikaw din ha! Bawas bawasan mo yang pagiging masungit at mataray mo sakin, daig mo pa ang babaeng may dalaw kung makapag asta ka ng ganyan." Sabi ko na tinuturo turo kopa siya.

YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...