Chapter 22.2

30 4 0
                                        

•Dhara

"Happy birthday. It's nice to finally meet you." Malamig at nakakatakot ang malaking boses ni Orion.

Hindi ko nga alam kung ngingiti ba ako or sasagutin siya dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya, parang familiar sa'kin ang aura ng pagkatao niya.

"S-same." Tanging naisagot ko lamang kaya napahalakhak si Leo.

"Ano ba naman Or, tinatakot mo si Dhara eh. Anyways, happy birthday." Sabi niya kaya nakatikim siya ng batok mula kay kuya.

"Mga tukmol! Umayos kayo kundi mabubugbog ko kayo ng wala sa oras." Sabi ni kuya at para naman silang natakot kaya ay napayuko sila ng bahagya. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang binulong ni Leo.

"Lord Aries never changed. The same idiot, bastard, arrogant and rude. Tsk, sarap isako."

Lord Aries? Sino yun?

Kinalimutan ko nalang ang sinabi niya at hinintay ang pagdating ng mga barkada ko, at hindi naman ako nagkamali dahil matapos ang limang minuto ay narinig ko na agad ang busina ng dalawang sasakyan.

At maya maya ay nakita ko ang mukha ng mga siraulong tao na nakilala ko sa tanang buhay ko. De joke lang. Hehe.

"Sorry natagalan, nasiraan kasi yung sasakyan ni Seven. Tsk, nakaka badtrip nga." Sabi kaagad ni Amber kaya napatawa ako.

"Kayong mga girls, dalhin niyo ang mga gamit niyo sa kwarto ko. Sasamahan ko lang sa guest room ang mga boys, you can take them Rave." Sabi ko at tinawag na ang atensyon nila Duke.

Dinala ko sila sa guest room na dulo para hindi sila maiisturbo kung sakali man. Hinintay ko pa silang magsilabasan muna kaso nahalata kong nagpahuli si Seven.

Naka pormal parin naman sila ng suot kaya ay linapitan ko na si Seven, hindi na kasi ako makapag hintay pang simulan ang party ko.

"Seven... tara na?" Tanong ko kaya ay napatingin siya sa'kin.

"Just a sec." Sahot niya kaya ay napakagat ako sa ibabang labi at napayuko at napaatras pa ng konti.

Hindi ko kasi mapigilan'g ma tense kapag kausap ko si Seven, ang awkward pa para sa part ko kasi hindi na ulit kami nakapag usap matapos yung sa akwe, ewan pero hindi na rin kami nagkikibuan pareho ng sa dati.

"Come here." Tawag niya sa'kin at para naman akong slave niya dahil bigla akong kumaripas ng lakad kaya hindi sinasadyang matisod ako at dire diretso ang bagsak sa katawan niya dahilan para bumagsak kaming dalawa sa sahig.

"Careful." Sabi niya lang at pinatayo ako.

"I just wanna give you this as my birthday present. I want to greet you a happy birthday personally. Happy birthday baby."

Sabi niya na nagpatigil sa'kin at yinakap niya ako at saka hinalikan sa ulo.

"I missed you. So much." Kaagad ko siyang itinulak papalayo nung ma realize kong hindi niya dapat ginagawa yun.

Ayaw kong maging paasa.

"Sa-salamat. Let's go out." Tanging naisagot kilo na lamang sa kanya at mabilis siyang tinalikuran, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya at ang yapak ng kanyang mga paa senyales na nakasunod lamang siya sa'kin.

"Here you are anak... Let's start your party okay?" Sabi ni mama at tumango naman ako. Lumapit sa tabi ko si Nixon at biglaang hinawakan ang kamay ko.

Napasinghap ako sa sobrang gulat at bigla akong inatake ng sobrang kaba dahil makikita kami ng buong pamilya ko at ng mga tao na nadito ngayon sa bahay.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now