Chapter 3

28 6 0
                                        

-Papel-

Andito ako sa kwarto ko ngayon, nakahiga as usual, wala daw si mama at papa, si mama bumili ng mga gamit na dadalhin niya dahil babalik na siya sa trabaho bukas. Si papa naman bumyahe na pabalik sa isang branch para sa food tasting.

Si Lance nasa school pa, ako naman maagang nauwi dahil vacant namin nung 3-4 pm. Si Trinity kasi, may pupuntahan daw sila nung mama niya kaya ayun, napauwi nalang ako ng wala sa oras.

Si kuya Hunter naman kanina pang madaling araw umalis, pabalik sa bahay nila kuya Harper. Nakakalungot lang isipin na ako na naman mag isa dito sa bahay.

Narinig ko ang boses ni mama sa labas kaya agad akong lumabas ng kwarto ko. Ano kaya mga pinambili ni mama?

"Ma? San ka galing?" Tanong ko sa kanya at tinulungan siya sa mga pinambili niya.

"Namili ako ng mga supplies sa bahay at mga gagamitin ko bukas. Hindi ka na naman ba naglinis? Tingnan mo nga oh, ang dumi dumi dito." Sermon niya sakin.

Psh, sana pala hindi na'ko lumabas ng kwarto ko.

"Kakagaling ko lang sa school ma, baka naman pwedeng magpahinga saglit?" Tiningnan ako ng masama ni mama kaya agad ko nang nilisan ang lugar nayun at hinanap ang aso ko.

Nasan na kaya yung asong yun? Porket malaki na siya nagpapariwara na siya, ang sarap ikulong sa sako eh. Sorry naman, hindi kasi nauso samin ang doghouse.

Sorry ha? Maliit lang kasi ako, namana ko yung kyut na height ng inahin ko.

Naalala ko tuloy, may kababata ako dating lalaki. Nasan na kaya siya? Hanggang grade 3 kami mag kaibigan, pero ngayon wala na akong balita sa kanya, umalis kasi sila, pumunta yatang ibang bansa.

Miss ko na siya, sino na kayang mas matangkad sa'min ngayon? Pero mas matanda siya sa'kin ng isang taon. Kahit yung last name niya nakalimutan ko na rin. Haaay, ano bang klaseng utak meron ako?

Charot. Magandang utak 'to.

Pumunta ako sa plaza namin, o mas kilala bilang 'centro'. Mag memeryenda nalang siguro ako, tutal wala pa naman si Lance. Wala akong kaaway!

Marami naman akong kilala dito pero dun parin ako bumibili sa close ni mama, para makalibre. Lumapit ako dun at bumili ng kwek kwek.

"Abah, maaga ka ngayon ineng ah?" Sabi ni tita Lisa sa'kin.

"Wala kasing pasok ngayong 3-4 eh." Sagot ko at naupo sa isang upuan.

May ibang kabataan na lumapit din sa stall ni tita Lisa at bumili rin sila. Hindi ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan nila. Nakaka agaw pansin kasi ang mga boses nilang masakit naman sa tenga.

"Balita ko nakabalik na nga talaga siya!" Sabi ni Lyka, kilala ko siya, kasi naging kaklase ko to nung elementary.

"Oh? Bakit? Anong ebidensya ang meron ka?" Sagot naman nung isang babae pa. Eto ang hindi ko kilala, ngayon ko lang 'ata to nakita eh.

"Gaga! Natandaan mo pa yung dati nilang bahay? May nag park doon ng kotse, tapos may lumabas. Hindi ko lang naaninag ng maayos yung mukha, pero may kuminang sa may kaliwang tenga niya."

Teka, kuminang? Parang may naalala ako dun ah? Ah tama! Yung lalaking nakausap ko din sa reunion, kuminang din yung kaliwang tenga niya nun eh.

"Ha? Saang bahay?" Tanong nung kausap ni Lyka.

"Oh Dhara, eto na yung sayo." Inabot ko yun at umalis na, nakaka intriga man yung pinag-uusapan nila ay hindi ko nalang yun pinansin. Mapagkamalan pakong tsimosa dito eh.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now