•Dhara
Good morning! Today, is my very special day. Apat na araw na ang nakalipas magmula nung nagkaroon ng celebration si kuya dahil sa pagkaka promote niya.
I don't have big plans for today, yung plano ko lamang ay magkaroon ng pool party mamayang gabi since Friday naman ngayon at wala kaming pasok bukas.
I invited some of my cousin's. At sa tingin ko ay hindi makakadalo si ate Shannel dahil nasa Palawan siya magmula pa noong lunes kasama ang 'bestfriend' niya daw. May kikitain daw siyang kliyente.
May pool naman kaming sakto lang ang laki kaya wala ng problema, sinabi ko na rin ang plano ko kanila mama at papa kaya wala nang problema lalo na't pumayag naman sila.
Nag ayos na'ko ng sarili at lumabas ng kwarto, nakakabinging tahimik ang sumalubong sa'kin sa paglabas ko ng silid hanggang sa pagbaba ko papuntang kusina.
Nakita ko silang kumpleto na sa mesa kaya naman ay nagtaka ako sa mga inaakto ng pamilya ko.
"Good morning nak, happy birthday to you. Mama loves you." biglang sabi ni mama at nilapitan ako at ginawaran ng yakap at halik.
Hanggang sa binati na din ako nilang lahat. Hindi din naman ako nagtagal dahil baka ma late pa'ko sa klase ko kasi 7 sharp ang start ng klase ko kaya pati si kuya ay minadali ko na rin dahil siya ang maghahatid sa'kin.
Kaya ko namang mag drive ng sasakyan, kaso nga lang wala namang akong sasakyan tapos tinatamad naman ako, nakakawalang gana kasi kapag kahit gustong gusto mo gawin yung isang bagay kaso wala ka naman nun kahit marunong ka.
"Have a lucky day Dhara. Happy birthday ulit." Sabi ni kuya at hinalikan ako sa noo. Sana birthday ko nalang palagi para palagi ding mabait sa'kin si kuya. Hehe.
Dumiretso na kaagad ako sa room namin at sa pagtapak ko palang ng pintuan ay kaagad na nagsitayo ang mga classmates ko kumanta ng happy birthday sa'kin.
Ng matapos ay nagpasalamat nalang ako at napangiti. Minsan lang naman maging mabait mga kaklase ko kaya linubos lubos ko na. Kahit kung minsan ay hindi ko sila lahat nakakasundo, okay lang. Wala naman akong choice kundi tanggapin nalang kung anong nangyari.
Discuss. Discuss. Quiz.
"Student, please be quiet, I need to announce something. By next week ay magkakaroon na kayo ng Pre-Test Examination sa lahat ng subject. The schedule of time and subjects will be posted at bulletin board on Monday. And your exams will be on Thursday and Friday. So kids, be ready. Okay? Good bye everyone."
Matapos lumabas ni miss Santos ay umingay na ang classroom namin, puno ng reklamo sa announcement. Unang subject palang namin pero dinudugo na kaagad ang utak namin. Paano pa kaya ang mga susunod na subject?
Hindi rin nagtagal at pumasok na si sir Jo-Ed. Nagkwentuhan lang kami, matapos siyang magdiscuss ng konti kaya hidi kami na bored. Nagkwento din si sir sa nangyari sa kanya noong akwe namin.
"Okay class, just let me remind you about your performance and scrap book okay? You will pass the scrap book, the day before you will perform kasi pag aaralan ko din kung tama ba yung mga na search ninyo. At class, yung pagperform ninyo ay sa araw ng schedule natin. Or maybe, kapag nagkaroon tayo ng conflicts about sa schedule natin kasi we have three groups tapos medyo mahaba yung music, so may tendency'ng mai re-schedule yung presentation ninyo. At kapang mai re sched naman, we will perform sa vacant time ninyo. Okay that's all, you can have your break."
Sabi ni sir at lumabas na. At sa paglabas naman ni sir ay biglang tumayo si Jeanna at tinawag ang mga ka grupo niya.
"Raven, Dhara, Lyzel, Caleb, Dion, at Theodore. Lapit muna kayo dito, mag uusap muna tayo." Sabi niya at tiningnan kami isa isa.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...