Chapter 27

14 5 0
                                    

•Dhara

Today is Thursday, meron kaming presentation about sa aming new topic ngayon. Nakakabadtrip nga lang kasi hindi ko gusto ang kapartner ko, si Lyzel at Seven.

"Hi babe. Let's go?" Tanong sakin ni Nixon nung makalapit ako sa kanya, ngumiti naman ako at umamba ng tatalon kaya napatawa siya.

"Hello babe. Kamusta?" Sabi ko kaya ay kaagad niya akong sinalubong ng yakap at hinalikan sa noo.

"I'm okay! Tara na?" Sabi nito at pinagsiklop ang aming kamay.

Tinahak na namin ang daan papuntang NVIS. Nag usap lang kami at hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga nadulas niyang mga sinabi. Katulad nalang nung nabanggit niyang umiinom siya ng kape habang may kausap na babae. Nung tinanong ko naman kung sino yung babae, umiwas kaagad siya sa tanong.

Feeling ko tuloy, kilala ko kung sino yung babaeng tintukoy niya, kaso hindi ko nga lang sure. Maya maya ay tumigil na kami, nasa harap na kami ng mataas na gate ng campus, tumingin siya sa'kin at ngumisi. Binaklas ko ang seatbelt ko at binuksan ang pinto pero hindi ito bumukas, nasayang lang ang effort ko.

"Babes..." Sabi nito kaya kaagad nagpantig ang tenga ko, kapag kasi babes ang tawag niya sa'kin, puro kalokohan lang ang nasa utak, pero kapag babe naman nasa maayos pa yung takbo ng kanyang utak.

"What Nixon?" Sabi ko kaya ay lumapad ang ngiti niya at lumapit sa'kin.

"I love you." Sabi niya at mabilis akong hinalikan. Napangiti nalang ako sa kakulitan niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan din siya sa pisnge. Nagulat pa siya kaya napatawa ako ng bahagya.

"Bye babe, take care. I love you." Sabi ko at lumabas na ng kotse niya.

Nakasabay ko sa pagpasok ang sasakyan ni Seven kaya bigla ay nanikip and dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Lakad takbo ang ginagawa ko dahil ayaw kong maabutan siya or magkasabay kami.

Pero siguro nga ay minamalas talaga ako dahil ay saktong pagdaan ko sa gilid ng sasakyan niya ay bumukas ang pintuan at natamaan ang tuhod ko, napadaing nalang ako sa hapdi at pinilit ang sariling maglakad kahit kumikirot ito sa tuwing igagalaw ko. Feeling ko naiihi ako eh.

"Hey..." Sabi ni Seven pero binalewala ko nalang, ayaw ko siyang makausap.

"Hey!" Sabi nito at hinila ako paharap sa kanya, napahigpit pa yata ang pagkakahawak niya sakin dahil nasaktan ako.

"Ano?!" Sigaw ko kaya ay napabitaw siya sa pagkakahawak sa'kin at tumingin sa mata ko, alam kong galit at irita ang makikitang emosyon sa mata ko pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

"I'm sorry... You don't need to scream." Sabi nito.

"Tapos ka na ba? Wala ka na bang sasabihin? Kasi nasasayang lang yung oras ko , baka nakakalimutan mong magka grupo tayo sa reporting?" Tanong ko at tinalikuran na siya, naiinis na ako. Kay ganda naman ng bungad niya sa umaga ko.

"Tama nga pala si Duke, mahirap ang manlimos ng atensyon sa taong hindi ka pinapahalagahan." Napatigil ako sa narinig ko at hindi ko nalang namalayan na nalagpasan na niya ako. Tila may bumbara sa lalamunan ko.

Napapitlag nalang ako nung may humawak sa braso ko, si Denise at Duke. Nakatingin lang sila sakin at nauna na si Duke, nasisiguro kong susundan niya si Seven. Naiwan kaming dalawa ni Denise kaya ay para akong nasa paglilitis sa sobrang kaba'ng nararamdaman ko. Hindi ko alam pero natatakot akong pakialaman ni Denise sa pagdesesisyun ko.

Yung tipong hindi dapat yung ang magiging desisyon mo pero dahil sa mga sasabihin niya sayo ay makokokonsensya ka at tatamaan ka talaga sa mga salitang binibitawan niya.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now