Chapter 26

27 5 0
                                    

•Dhara

Nakauwi na ako sa bahay, mamaya lang ay dadaanan na ako ni Raven at pupunta na kami'ng NVIS, lahat ng tao na nasa bahay ay napakatahimik. Na aakalainin mo nalang na hindi kami magkakilala. Ito ay dahil dulot sa nangyari kay kuya Shawn.

Simula nung makalabas ako ay hindi pa ako pinayagan ni kuya Hunter na bumisita sa ospital kahit na gustong gusto ko na. Kaagad din'g napauwi sila tita Shane at tito Joel sa nalaman at dinala si ate Shannel sa sarili nilang bahay.

Magmula rin noong na ospital ako ay hindi na nalabalik sa trabaho si kuya, hindi ko alam ang dahilan.

"Hey..." Napaangat ako ng tingin ng masilayan si Raven na prenteng naglalakad papalit sa pwesto ko, I thank this woman the most for not leaving me, through ups and down.

"Hey." Malamya kong sagot at tumayo na, kahit napakabigay sa kalooban ko na pumasok sa school, kelangan kong pilitin ang sarili para makapasok.

"Wassup? Kamusta ka na?" Tanong nito sa'kin at inalalayan na rin ako papasok sa sasakyan niya.

"As usual." Sagot ko kaya ay napailing nalang siya.

"Nga pala, mamayang hapon, magpasundo ka nalang." Biglaan niyang sabi bago sinarado ang pintuan na nasa tabi ko.

"Bakit?" Tanong ko habang sinusukbit niya ang seatbelt niya.

"Nothing. May kakausapin lang naman." Sagot nito at pinaandar na ang sasakyan. Mabuti pa ang isang to, pa chill chill lang, samantalang mas mabigat pa naman yung mga problema niya kesa sa'kin.

~

"Class, listen first. So as of now, it's already the second week of July, as expected, by next week magkakaroon ulit tayo ng isang program about, nutrition month. Any questions?"

Natahimik ang lahat kaya ay napatayo na si miss at nagpaalam.

"Ano na naman kayang pakulo ng NVIS nato, nakakabanas." Sabi ni Belle at pinusod ang buhok na mahaba.

"Kamusta ka na nga pala Dhara?" Tanong ni Amber at lumapit sa'kin, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag arko ng kanan'g kilay ni Belle.

"Okay naman. Bakit?"

"Nothing. Ang tagal mo naman nagbakasyon sa ospital, abseng ka nung lunes, hindi ka pa pumasok kahapon ng martes? Seriously, what did you do?" Tanong ni ber at inakbayan ako, palibhasa mas matangkad kasi sa'kin.

"Hindi pa ako pinayagan nila mama pumasok eh." Sagot ko nalang para matahimik na yung kaloob looban niya.

"Tara sa canteen." Pag aaya sa'min ni Denise, ang kasama niya naman ay si Raven.

Feeling ko talaga, etong dalawa ang may pinaka malaking tinatago sa'kin.

Vacant na kasi namin ng 3-5 kaya ay malaya kaming nakaka alis, pagpasok palang ng canteen ay kaagad na bumungad samin ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa pila.

Naupo nalang kami sa pwesto namin at nag usap usap nalang ng kung ano ano, maya maya ay natahimik ang canteen sa pagpasok nila Duke.

Duke, Seven, Theo, Achi, Dion, Archer.

Napapasunod sa kanila ang ulo ng lahat, mapa babae man ito o maging lalaki pa, lakas naman maka feeling heartthrob ng mga anim na bugok na'to. Hindi ko maitatanggi'ng mas nakaka angat sa kanila si Achi.

"Feeling gwapo ang mga tarantado, mukha naman'g gago." Napatawa kami kay Belle kaya ay nabaling din sa'min ang atensyon ng lahat.

Bigla ulit tumunog ang malakas na ingay mula sa may entrance, napatingin kami doon, yun nga lang hindi naman nakita dahil nahaharangan nila Seven.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now