-Friends¿?-
Lumabas kami ni Denise ng restau nila Belle dahil nasa labas na daw siya naghihintay. Pagkalabas namin ay nakita ko ang kotse ni Belle at dun siya sa may pintuan nagse-cellphone.
"Hoy? Bat iniwan mo kami?" Takang tanong ko sa kanya kaya napangiti siya at tumingin sakin ng inosente.
"Huh? Nako, sorry dun kanina, may emergency kasi kami nung tumawag yung pinsan ko. Nagpasundo pala yung kapatid niya kaya ganun. Sorry talaga, nga pala, maga-alas singko na, kelangan ka na naming iuwi." Sabi niya kaya nagtango tango lang ako.
Biglang gumalaw ang kotse na nasa tabi ng kotse ni Belle at lumabas sa passenger's seat si... huh? Amber?? At lumabas naman sa driver's seat ay si... Raven.
"Tara, kami na'lang maghahatid sa'yo. May sasabihin kasi ako sayo kasi gusto kong mag explain kung bat ako nagiging busy lately. Tara na dali." Sabi ni Raven at ngumiti sa'kin. Sinuklian ko naman yung ngiting yun kahit mabigat sa pakiramdam.
"Ah hindi na muna siguro, kela Belle nalang siguro." Sabi ko at pumasok kaagad sa sasakyan ni Belle.
Wala na akong pakialam kung okay lang ba kay Belle na siya ang maghatid sakin or hindi, ang importante maka iwas muna ako ngayon kay Raven.
Buti nalang nakisama si Belle at kaagad naman silang pumasok ni Denise. Walang nagsasalita sa'min buong byahe hanggang sa makauwi ako. Bumaba lang ako at nagpasalamat tapos ayun na.
Parang ambilis lang nung oras, parang kanina umiinom palang ako sa restobar nila Belle tapos ngayon naman papasok na ako sa kwarto ko.
Nakita ko pang tiningnan ako ni Lance ng nanguusisa pero hinayaan ko nalang siya, hindi naman yun nagsusumbong sa mga pinang gagawa ko kaya okay lang.
Nagpalit ako ng damit at pumunta sa cr, tiningnan ko ang reflection ko sa salamin kaya biglang sumakit ang mata ko, biro lang. Pero totoo, hindi talaga ako maka get over sa scenario kanina.
Alam kong nakaramdam din yung iba ng pagkailang kasi first time kong nireject si Raven, pero okay lang yun, atleast ngayon alam niya din yung feeling na ma reject ng importanteng tao.
"Ate Dhara, nandyan si kuya Elliot sa baba." Nataranta ako sa narinig ko kaya kaagad akong nag ayos at bumaba na, muntik pa akong mahulog sa pagmamadali.
Nawala kasi sa isipan kong pupunta nga pala kaming tatlo ni Nixon ngayon sa malapit na peryahan sa'min.
"Sorry Cas, nawala kasi sa isip kong aalis pala tayo." Sabi ko kaya ngumiti lang siya at hinila na ako palabas.
Nakita ko pang nakangisi sa'kin si Lance kaya kinabahan ako, kasi naman, may pagka demonyo din yung kapatid kong yun kaya ganun.
"It's okay. Si Nixon nga pala nandun na, kasama niya na si Lyka so we have to hurry up." Sabi niya lang at sabay kaming naglakad papunta na sa perya.
Hawak hawak niya parin yung kamay ko, nahihiya din akong bawiin yun, ewan ko ba, baliw na yata ako.
Minutes passed at nakarating na kami sa perya, hinahanap pa namin sila Nixon at Lyka kaya ngayon naglilibutan na kami.
"Ayun sila." Sabi niya at tinuro ang fountain, dun namin sila nakitang masayang nag-uusap, infairness bagay naman pala sila.
"Omy! Ell!!" Sigaw ni Lyka at kaagad na dinamba ng yakap si Casper, yun na sana yung time na mababawi ko na yung kamay ko mula kay Casper at akala ko din kasi mabibitawan niya yung kamay ko, but hindi ganun yung nangyari.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, ewan pero bigla akong nakaramdam ng mahinang pagpitik sa may bandang dibdib ko.
"Hoy Lyka, tama na nga yan. Hindi kapa nakuntento sa'kin ah?" Singit ni Nixon at hinila si Lyka mula sa pagkakayakap kay Casper.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...