-Guidance-
"Walang magsasalita?" Kung kaya ko lang mabilang kung ilang beses na napbuntong hininga ang guidance counsellor, malamang aabot na ito ng mga 20+ ganun.
Ilang beses na siyang nagtanong kung anong nangyari at kamuntik nang may magpatayan sa room, pero ni isa sa'min ay walang nagsasalita. Si Archer nasa clinic pa. Ang dami niyang pasa at napilayan yata ang kaliwang braso niya.
Anim kaming nandito sa guidance office, kapag sinama si ang guidance counsellor, pito na kami. Hindi dinala si Dion sa clinic dahil okay naman daw siya. At hello?! Siya ang kinakailangan para matapos tong paghuhusay namin.
Putangina naman kasi, ba't ba'ko nadamay sa gulo ng mga bugok na'to? Mas kawawa talaga ako neto pag nakarating talaga to kay kuya Hunter eh. Ang mas malala pa nun, baka sumama pa si kuya Harper at si Jasper.
Na triple kill pa'ko! Samahan pa ng lsm. Long sermon ni mama. Haay! Malas! Bwesit kasi tong mga asungot na'to. Ang sarap balibagin.
"Sa'yo ako aasa." Napaangat ako ng tingin sa weird na sinabi ni Ms. Demi (guidance counsellor), at dun ko napagtantong sa'kin siya nakatingin.
"Ms Harris, mind to share something?" Mataray niyang tanong. Natatakot akong magsalita dahil baka magalit sa'kin sila Seven.
"Ms Harris! Baka gusto mong makarating pa'to sa kuya mo?" Nanakot na tanong ni ma'am kaya no choice akong magsalita.
"Kasi M-miss, galing kami sa comp lab, tapos *ubo* ano, pagkapasok ko kasi, ano, nagkakagulo--"
"Aayusin mo o suspended ka kasama sa tatlong lalaki na'to?" Tumango ako kay miss at yumuko. Nakakatakot ang mga mata niya, nakikita ko kasi ang mga mata ni Raven.
"Galing po kasi kami miss sa taas, sa comp lab to be specific, tapos pagkapasok ko sa room, nagkakagulo na sila, nung una hindi ko makita kasi--"
"Kasi ang pandak mo." Dugtong ni Theo sa sasabihin ko kaya umugong ang malakas nilang tawanan sa bawat sulok ng kwarto.
Tiningnan ko ng masama si Theodore at akmang susuntukin nung naalala kong nasa harap lang pala namin si Ms Demi.
"Quiet Mr. Mendoza!" Salubong na salubong parin ang kilay ni miss Demi at masama ang tingin na ipinukol sa mga lalaki.
"Please continue miss Harris."
"Ehem, ayun nga'po. Nung una hindi ko makita kasi ANG DAMING TAONG NASA HARAP KO. Tapos yung ina naman po, nagsisigawan na, meron din namang nagpupustaan. Tapos po, nung nakarating na'ko dun malapit sa kanila, dun ko'po nakitang nagsusuntukan na si Dion at Archer." Bow.
Okay na po ba miss? Baka pwede na'kong makalabas? Hindi na'ko natutuwa dito, feeling ko kasi anytime, biglang susulpot si Hunter at mamaya sermonan na naman ako.
"So... mister Lincoln? May gusto ka din bang ibahagi?" Nakataas ang kilay ni miss at ako naman ay bumalik sa pagkakayuko.
Patay! Anong oras na, baka magsumbong na si Lance na wala pa'ko sa bahay. Nakakainis pa naman kasi baka maging oa na naman siya at maisipang magpatawag ng pulis para hanapin ako.
Nakalimutan ko kasi yung phone ko kanina dahil sa sobrang lutang, hindi ko nga alam kung pa'no bako nakapunta dito sa guidance office.
Inaamin ko, hindi ito ang unang beses na nakaharap ko ang counsellor, marami na. Pero mabibilang parin naman, siguro mga siyam o walo. At lahat ng yun, kasama ko palagi si Raven.
Eto lang talaga ang wala siya, at kung papapiliin man ako, mas gugustuhin kong makasama si Raven kesa sa ganito. At kapag nagkataon mang masama ako sa parusang ihahatol sa'min.

YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...