Chapter 27.2

29 6 0
                                    

•Dhara

Naglakad ako papunta sa Centro, nakalimutan ko na ang tungkol sa liga, kaya pala maingay at matao ang centro kasi merong liga.  Hindi ko alam kung sino sino ang mga naglalaro pero pumasok na rin ko at nanood, I think kelangan ko nalang munang ipahinga ang utak ko sa pag iisip ng kung ano ano.

"Again, the 2nd game is Riverside versus Gabrielian's." Sabi ng announcer kaya ay umingay ang crowd at todo cheer sa bawat kalahok na gusto nila.

Nagsisimula palang ang laro pero wala na akong gana, napagdesisyunan ko nalang na umalis na doon at pumunta nalang sa park, maswerte lang at wala halos na tao ang nandidito kasi nasa court sila nanood. Sana kaya ko ring makisalimuha sa kanila. Nakakainis lang dahil kahit anong gawin kong pag iwas sa pag iisip kay Nixon ay hindi ko magawa gawa.

Napaupo nalang ako sa bench na ang kaharap ko ay ang fountain na ang mga tubig nito ay sumasayaw. Napayuko nalang ako kasi hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko.

Tumatakbo sa isip ko si Seven, si Nixon, sila Raven at Denise. Si Achi, si Belle. Si Amber. Lahat na sila pinoproblema ko. Feeling ko kasi talaga wala akong alam sa kanila, lalo na kay Raven kahit na siya pa yung pinakamatagal ko nang kaibigan. Hindi ko maintindihan na sa tuwing magkasama sina Denise at Raven ay parang may pinag uusapan silang ayaw nila sakin ipaalam.

"What are you doing?" Tanong ng kung sino. Nakayuko lang ako at hindi na siya tiningnan o kinilala.

Istorbo naman. Kita nang minsan na nga lang makapag emote ng ganito susulpot pa siya. Edi wao!

"Dhara." Sabi niya'ng muli kaya napatingin ako sa kanya. It was... Seven.

Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon, ang taong hindi ko inaakala na magkakagusto sa akin.

"Ano...?" Sagot ko nalang at hinayaan na siyang maupo sa tabi.

"Wala lang. Bakit ka nandito?" Tanong niya, bumuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan, walang mga bituin, uulan siguro mamaya.

"Wala lang din. Eh ikaw?" Sagot ko kaya ay napatingin siya sakin, kahit naiilang ako sa kanya ay pinagsawalang bahala ko muna iyon. Gusto ko lang din kasi  malaman ang lahat na katotohanan.

"Naglalaro ako sa liga, kakatapos nga lang eh." Napatango nalang ako at napatitig sa kanya ng matagal. Gwapo siya, kaya hindi ko inaakala na sa lahat ng magkakagusto sa'kin ay si Seven pa.

"Kamusta naman?" Tanong ko at timingin din siya sa akin.

"Ang alin? Ang laro ba o ako?" Tanong niya at ngumisi, tumingin ako sa mata niya at napakalungkot lamang nito.  Napayuko nalang ako at ibinaling ang paningin sa fountain.

"Ayos lang yung laro namin..." Sabi niya at bumuntong hininga, napatingin tuloy ako sa kanya, at sa pagkakataong ito ay siya naman ang nakayuko.

"Ahh, ganun?" Tanong ko kaya ay humarap siya sakin at ngumisi.

"You know what? I was expecting you'll ask me if I'm okay, but I am so stupid because I know from the very beginning you won't do that... Because I know, I mean nothing to you."

"Do-Don't say that! Meron din akong pakialam sa'yo Seven, hindi ako ganoon ka bato sa katulad ng inaakala mo." Sabi ko at napayuko. Kinakabahan ako na nasasaktan, hindi ko maintindihan.

"Don't say that too... Mas mabuti ng sabihin mo sakin ang totoo kesa magsabi ka ng mga bagay na labag naman sa loob mo."

Bigla tuloy ay pumasok sa isip ko ang nangyari at sagutan namin ni Duke sa parking area.

"What? Sinasabi ko lang naman kung ano yung totoo ah? There's nothing wrong in telling the truth, kesa ang pumayag nga ako, labag naman sa loob ko."

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now