-Luck-
Late na akong nakarating sa school at mabuti nalang talaga nakisama si tadhana dahil wala pa yung lecturer namin nung pumasok ako. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng mga problema ko.
Hindi naman ganun kalaki yung problema ko para sa inyo pero namomroblema na kaagaf ako, gusto ko kasi sanang masagot lahat ng tanong na tumatakbo sa utak ko.
Pero pano yun masasagot kung walang willing na sumagot? Kasi kahit signs, clues wala man lang na ipinapakita kaya mas lalo akong nastress kagabi.
"First time ka yatang na late ah? Anong nangyari sayo?" Sabi ni Denise kaya napatingin ako sakanya. Umiling lang ako sa kanya kaya naman napatango lang siya.
"Wala naman, nagbasa kasi ako ng stories kaya ayun napuyat, nga paka bat wala pa yung lecturer?" Pag iiba ko sa usapan.
"Wala siya ngayon kaya sinuwerte ka talaga, dahil kapag nagkataon at nandito yun, guidance ulit yung abot mo." Sabi niya at bahagyang natawa.
Isa din to eh, ang saya niya sa tuwing nasa guidance ako, palibhasa kasi siya hindi pa napapa guidance. Nako naman.
"Hey, tara sa canteen." Pag aaya samin ni Raven, aba't buti naman pumasok na to?
Hindi sana ako sasama kaso bigla akong kinurot ni Denise senyales na 'sumama ako' kaya kahit napipilitan sumunod parin ako. Nagpahuli ako dahil halatang walang gustong kumausap sakin.
"So hindi mo talaga ako papansinin? Ganun nalang yun?" Sabi ni Raven sakin na ngayon ay katabi ko na pala, hindi ko kasi namalayan dahil kaharap ko yung phone ko, nanood kasi ako ng vlog.
"Tsk, kasalanan ko pang hindi kita pansinin?" Sagot ko at nagpa una na sa paglalakad kaso hinatak niya ako pabalik.
"Sorry, umalis kasi kami... Nag outing kaya hindi ako nakapag inform sayo, kahapon lang din ako nakabalik tapos kakagaling ko lang nun sa airport, nakasabay ko sa airport si Amber kaya nagsabay na rin kami sa sasakyan ko." Explain niya. Magtataray pa sana ako sa kanya kaso may naalala ako.
Hindi ako magaling magtaray
At dahil dun, nawala na yung bigat na nararamdaman ko kay Raven, ngumiti ako sa kanya at sinabing okay na. Ayun, back to normal.
Pero ewan, i still feel na parang may mali, pero dahil kaibigan ko siya, i trust her. Kung ano mang nangyayaring wala akong alam, sana maging safe siya palagi. Ganun ako as a besprend. Suportib.
Pumwesto kami sa isang table at dun na nag usap usap, nakatulala lang ako dahil hindi parin mawala sa isipan ko yung moment namin ni Nixon kagabi, parang hindi ko na yata kayang harapin pa siya.
Lalo na yung mga huling sinabi niya, nako naman Nixon, hindi naman tamang mahulog ka sakin eh, magkaibigan tayo diba? Haay nako naman.
Pero malay naman natin kagabi niya lang yun naramdaman diba? So wag na muna nating isipin ng sobra sobra dahil ang sobra nakakasama so dapat sakto lang, ganun.
"Hoy? Bat naging balisa ka yata ngayon? Okay ka lang?" Pagpansin sakin ni Raven kaya naputol yung pag iisip ko.
"Wala to, may nangyari lang kasi sakin kagabi pero okay na." Sabi ko at ngumiti.
"Sinong niloloko mo? Ako? Magkwento ka mamaya, makikinig ako." Sabi niya at tumayo, alam ko na ang puntahan nun, sa bilihan ng pagkain. Nako naman Raven.
Sasabihin ko kaya? Wag na, hindi naman yun makaka relate. Tsaka alam kong may problema din naman siyang dinadala kaya ayoko na ring dumagdag, may tamang oras naman para malaman niya lahat diba?
Minutes passed at nasa kalagitnaan na kami ng discussion sa adviser namin hanggang sa paubos na ng paubos yung time, akala ko idi-dismissed niya na kami kaso pina stay niya kami saglit para sa important announcement.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...