-Rejected-
"Tangina ka!" Sigaw ko pagkapasok ko sa room, nakita ko kasi si Raven na nakaupo at nakapikit habang hinihilot ang sentido.
Minulat niya ang mga mata niya at matalim at malamig ang mga titig na ipinukol sa'kin. Nakakapangilabot. May kakaibang aura akong nararamdaman kay Raven.
May nangyari bang wala akong alam?
Bigla siyang pumikit at nagmulat ng mata. Bumalik na sa usual niyang pagititig ang kanyang mata, at ngumiti ng malapad.
Okay? Weird.
"Napa guidance ka pala? Hahahaha!" Sabi niya sabay lapit, akmang babatukan ko siya pero nakailag agad siya.
Linagay ko muna ang bag ko at hinabol siya na papuntang canteen. Nakaupo na siya sa pwesto niya at kaagad ko siyang sinapak sa braso dahilan para mapahiyaw siya.
"Araaay! Tangina!" Sigaw niya at maluha luhang napatayo habang dahan dahang hinihimas ang braso. Luh? Ang oa!
"Hoy! Anong nangyari? Ang oa ha?!" Natatawa kong sabi at napaupo na sa pwesto ko.
"Argh! Shit." Mura niya at nagpaikot ikot sa kinatatayuan niya.
"Hoy! Ang oa mo naman, parang ganun lang! Tsaka fyi, hindi mo ako kasing lakas!" Sabi ko at natawa.
Hindi niya ako pinansin at itinaas ang manggas ng damit niya kung saan ko siya sinapak. Nagulat ako sa nakita ko.
Isang maliit na tattoo. Tapos parang may pasa siya sa bandang baba nito. Mas tinaas niya pa ito kaya mas lalo kong nakita ang nasa braso niya, nag angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin.
Sa pagkakataong ito, parang hindi si Raven na kaibigan ko ang kaharap ko. Nakangisi siya sa'kin na animoy may gagawing masama o binabalak na planong hindi maganda.
Anong nangyari Raven? Tumawa siya at binaba ang manggas niya tapos pumunta sa harap ko at naupo.
"Oh? Anong nakita mo?" Hindi muna ako nakapag react kaya sinampal niya ako ng mahina kaya umangal na'ko.
"Ano yun?" Seryoso kong tanong sa kanya at napatawa lang siya at umiling.
"Kahapon kasi, natamaan ako ng pintuan ni kuya." Sabi niya at hinimas ang may pasa.
"Hindi yun Rave, hindi." Sabi ko pa kaya nagseryoso na ang mukha niya.
"Kalimutan mo nalang kung anong nakita mo at ang pinag usapan natin ngayon." Sabi niya at tinapik ako sa braso bago tumayo.
"San ka pupunta?" Tanong ko at tinuro naman niya ang mga pagkain. PATAY GUTOM. Bibili lang pala siya ng pagkain, kinabahan na'ko.
Akala ko kasi hindi niya ako papansinin o kaya naman nagalit ko siya sa nasabi ko.
Lumapit ako sa kanya at bumili na din ng makakain."Nga pala, kamusta si tito?" Tanong ko sa kanya, dumating na daw kasi ang papa nya kaya tinatanong ko lang.
"Okay naman, hindi naman siya magtatagal, mga dalawang linggo, babalik na agad siya." Sabi niya at tinaggap ang mga pagkaing binili niya at bumalik ulit sa upuan.
Walang hiya talaga. Hindi manlang ako naisipang hintayin, eto talagang ayaw ko sa kanya eh, makasarili. Pero kahit ganyan yan, di'ko kayang mawala yan.
"Luh? Bakit naman ang ikli lang? Diba pwede naman mag extend nyan?" Tanong ko at nagkibit balikat lang siya at kumain ng kumain.
Mga tatlong subo palang yata siya ng burger nung binitawan niya ito at hinawakan ang bunganga.

YOU ARE READING
The Forbidden Love
Casuale"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...