•Raven
"Hey, bat natagalan ka? I saw Lyzel earlier coming out there, did she say something bad to you?" Bungad kaagad sakin ni Duke kaya napatunganga ako sa kanya.
I can't see what Lyzel just said to me. Kahit saang anggulo ko tingnan si Duke, hindi ko makitang nagkukunwari lang siya sa mga pinapakita at pinang gagawa niya.
"I'm okay."
"Hey... are you sure you're okay? You seems not." Sabi niya at sinipat ako.
Hinawakan ko ang kamay niyang hinahawakan ang mukha ko at binaba iyon. Tiningnan ko siya sa mga mata at bumuntong hininga.
"Stop please. I'm okay." Sabi ko kaya natahimik siya at napansin ko ang paglunok niya dahil sa pag galaw ng adams apple niya.
I looked away and distanced myself from him. He kept on talking to me and I'm replying him with a boredom.
"Where have you been? The ceremony got started 10 minutes ago." Bungad sakin ni Denise at hinila ako paupo sa tabi niya.
"Washroom lang, tapos nakasalubong ko pa si Lyzel."
"Bat wala naman siyang pasa kanina, tsaka maayos parin naman yung mukha niya kanina nung napadaan siya dito ah?"
Nakatikim kaagad siya ng matalim na titig galing sakin dahil sa mga sinabi niya.
"Ganun? Gusto mo sayo ko gawin?" Sagot ko dahilan para matawa siya.
"Kalma, init ng ulo mo ah? What happened?"
"Wa-wala naman... bat mo natanong?"
"Wala naman." Sabi niya at nakinig sa emcee.
Ginawa ko na din yun at pinilit ang sariling mag focus sa mga pinagsasasabi ng mga emcees. Hindi kasi mawala wala sa isipan ko lahat ng mga sinasabi sakin ni Lyzel.
Hindi kasi ako makapag isip kung sino ba yung paniniwalaan ko, kung si Lyzel ba o si Duke. Fuck shit. Pinapasakit nila yung ulo ko.
"Wag mo naman akong kunan ng karapatan sayo. Dahil kung pwede lang kitang angkinin, akin ka na."
Why on earth will he say that? Pilit ko mang kalimutan yung mga pinagsasabi niya hindi ko magawa gawa, palaging umulit ulit yung mga pinag usapan namin kani kanina lang, I'm starting to hate this feeling.
Yung merong part sa'kin na gustong maniwala kay Duke kasi syempre nga, crush ko siya eh, marupok din naman ako. Pero may part din sakin na hindi naniniwala sa kanya, kahit pa hindi na sabihin ni Lyzel yung mga kanina, nakakaramdaman naman ako ng pagdududa.
Ewan kung bakit ganito.
"May I call all the students to gather around in the middle of the quadrangle together with their partners to present the ball dance that will last for 3 to 4 minutes. Thank you."
Announce ng host kaya napabalik ako sa huwisyo, sa lakas ba naman ng pagkakasabi niya at sa mga naglalakihang speakers na nakapalibot sa quadrangle, sino bang hindi makakarinig?
"Let's go Raven." Sabi ni Duke at hinila ako patayo at sabay kaming lima naglakad papunta sa aming kanya kanyang linya at inayos na ang aming posisyon para sa pagsisimula ng aming sayaw.
Nagsimula na kaming sumayaw at hindi ko maiwasang humanga sa kagwapuhang taglay ni Duke lalo pa at sa tuwing ililibot niya ako ay natatamaan ng liwanag ang puting hikaw niya sa kaliwang tainga kaya mas lalo lang akong humahanga.
How funny it is that you'd confess to me earlier. What's more funny is I don't believe you 100%.
Natawa ako ng bahagya sa sarili kong naisip kaya nagkatinginan kaming dalawa, as our eyes met, saka natapos ang music at ang aming sayaw.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...