•Raven
Duke Calling~
"What time should I pick you up?" Bungad niya kaagad, tiningnan ko ang orasan at nakita kong alas dose y media na ng hapon.
"Im... *yawn... still sleepy..." pahinto hinto ang pagkakabanggit ko dahil sa sobrang antok, kung hindi ako nagkakamali ay mga alas kwatro na ako nakauwi ng bahay dahil sa pag uusap namin ni Duke.
"Halata nga, i'll be right there in a minute. Sleep well." Sabi niya at natawa ng bahagya, may sinabi pa siyang iba pero hindi ko na napakinggan dahil sa sobrang antok.
Pinikit ko ang mata ko at pinilit na h'wag matulog pero nabigo ako, nagising na lamang ako dahil sa naramdaman kong paghaplos sa ulo ko. Dahan dahan king minulat ang mga mata ko at dun ko nakita si Duke.
"Sorry... did I wake you up?" tanong niya.
"No... good morning." Sagot ko kaya natawa na na naman siya.
"It's already 4:30, silly." Sabi niya kaya namilog ang mga mata ko.
"Seryoso?" Tinanguan niya lang ako at natatawang pinapanood ako kung paano ako mag panic at nagdali daling hanapin ang phone ko para tingnan ang oras.
Halos nanlumo ako nung makita kong 4:31 na ng hapon, ganon bako sobrang kaantok at kapagod para matulog na ng halos buong araw?
"Wait me outside, maliligo lang ako." Sabi ko pero hinila niya ako paupo malapit sa kanya.
"Hindi pwedeng maligo ka kaagad, beside you still look fresh and you still smells good. Pag maligo ka may tendency'ng sumakit ang ulo mo. Rest for a while okay." Sabi niya kaya napatulala nalang ako sa kanya.
"Ang weirdo mo ngayon." Sita niya sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Iniisip ko lang kung bat sa hinaba haba ng tulog ko wala man lang akong maalala kahit isang detalye sa mga panaginip ko." Sabi ko at dumapa sa kama.
"Hahaha! Yun lang? Pagod ka siguro kaya hindi mo na maalala." Sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Wag kang hihiga ha, makita tayo ng mga tao sa bahay." Sabi ko kaya naman tumango siya.
"Alam ko po, anyways, may hinanda akong pagkain sa baba. You want to eat? I'll join you if you want."
"Matapos nalang akong maligo." walang ganang sagot ko.
"Ano nga palang sadya mo dito?" Tanong ko kaya nangunot ang noo niya.
"I invited you to be with me this whole day kaso antukin ka masyado kaya... wala nalang."
Para akong sinampal sa sinabi ni Duke kaya napabangon akong muli at hinarap siya.
"Ay oo nga pala. Nako sorry, nakalimutan ko eh." Sabi ko at yumuko.
"No, it's okay. Maybe some other time?" Tanong niya kaya nakonsensya naman ako.
"No, ngayon nalang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Are... are you sure? Baka pagod ka pa." Sabi niya kaya napailing ako.
"Hindi ah, meron na akong energy... pero kung ikaw ang pagod. Hahatian kita sa energy ko." Sabi ko kaya natawa kaming dalawa.
"Okay then. Hihintayin kita sa baba." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Inayos ko na ang sarili ko at matapos ang isang oras ay nakaharap ko na ulit si Duke, tiningnan niya ako ng puno pagka inip na mababakas talaga sa mukha at mga mata niya, lihim akong napangiti kasi ang cute niya lang tingnan.
"Are you hungry? Kain ka nalang muna." Sai niya at hinila ako papasok sa dining area pero hinila ko din siya pabalik.
"Hindi naman ako ganoon ka gutom, tsaka NAHIHIYA na'ko sa'yo kasi pinaghintay po kita. Kaya babawi na ako sa'yo." Sabi ko at pinigilang matawa.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Random"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...