Chapter 24

16 5 0
                                    

•Dhara

Ngayon ay sabado, kay bilis talaga lumipas ang araw, kahapon ay nagkaroon nga kami ng mini celebration or mas kinilala nila sa tawag na paga- unwind namin. Laking pasasalamat ko lang at hindi nagkaroon ng gulo kahapon habang magkakasama kami.

Pero hindi ko parin talaga maiwasa'ng malungkot sa tuwing naiisip kong sila Nixon at Seven ay hindi pa nagkaka ayos, habang sila Nixon at Duke ay ayos na. Pero kahit ayos na sila, may gap parin sa pagitan nila at mahahalata mo talaga yon, kapag observant kang tao.

Binalewala ko nalang ang isipin na iyon dahil hindi na dapat ako nangingialam sa estado nila, concern ako... pero hindi kasama sa pagiging concern ko ang manghimasok sa kung ano man'g gulo ang meron silang tatlo. Kaya hahayaan ko nalang munang lumipas ang oras, dadating din ang tamang oras para sa lahat ng bagay bagay.

Bukas ng linggo ay ang pagsisimula ng July 1, at hindi talaga ako makapaniwala'ng napakabilis talaga ng oras. Isang buwan na rin ang nakaraan noong nagkaroon ng family reunion.

Ngayon naman ay ang pagbabalik ni ate Shannel, susunduin namin siya ni kuya Shawn  na hindi pa nakakabalik sa Japan dahil nag file pala siya ng 1 month leave, ewan nga ba't ganyan pa siya. Pwede naman siya'ng manatili dito pero mas gusto niya talagang nasa Japan.

"Dhara, ready ka na?" Tanong ni kuya na nakatalikod sa'kin dahil kukuhanin niya yung tsokolate'ng natira pa noong birthday ko.

"Yes po." Sagot ko at napalabi, ang lungkot lungkot ng pakiramdam ko.

"Hindi kayo magba-bonding ng boyfriend mo?" Sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi, ang awkward.

"Hindi pa kuya, busy din kasi sila ng team mate niya para sa paparating na liga dito sa atin." Sabi ko kaya ay napatingin sa'kin si kuya ay napangiwi.

"Wishing that everyone knows how to play basketball." Sabi ni kuya ng mapakla kaya napatawa ako, oo nga pala, siya ay hindi marunong maglaro ng basketball dahil mas passion niya ang paglalangoy.

"Ok lang yan kuya Shawn, kahit hindi ka naman marunong, pogi ka padin."

"I know." Sabi niya at ngumisi, ako naman tuloy ngayon ang napangisi, magkapatid nga talaga sila ni ate Shannel.

Maya maya rin ay pumunta na kami ng airport para hintayin ang paglapag ng eroplano'ng sinasakyan ni ate, sakto naman ang oras ng pagdating namin sa sinabing oras ni ate para sunduin namin siya pero wala talagang dumating na eroplano.

Nagugutom na rin kami ni kuya Shawn dahil hindi pa kami kumakain magmula ng agahan namin kanina'ng mga alas syete at ngayon ay tanghali'ng tapat, 11:55 na. Ang usapan ay 11: 10 ang paglapag ng eroplano.

Wala din kami'ng natanggap na e-mail, text o tawag kay ate na hindi kaagad makakalapag ang eroplano'ng sinasakyan niya. Unti unti na ri'ng namumuo ang pawis ko sa noo, hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa matinding sikat ng araw o kung sa kaba ko'ng nararamdaman.

Naisipan nalang namin ni kuya na sumaglit sa isang coffee shop para hintayin si ate, humigit na rin ng dalawang oras ang paghihintay namin pero wala talaga kami'ng nataggap na kahit anong signs kung nasa'n na si ate.

"Where the hell on earth is that woman?!" Napatingin ako sa biglaang pagsigaw ni kuya ay kaagad ko siyang pinakalma.

Hello? Marami kayang tao dito sa shop, hindi kami lang. Yung iba may lahi, yung iba namab pinoy talaga. Nakakahiya man sana kaso wala sa lugar kung mahihiya pa ako.

"Dhara, do you know who's that friend with him?" Napailing nalang ako dahil sa takot na nadarama ko sa kanya.

"Godammit! Argh! Fuck!" Nakikita ko ang frustation sa mukha niya kaya ay naawa ako, gusto ko man siyang tabihan at i comfort kaso, papano ko yun magagawa kung ang sarili ko mismo ay hindi rin alam ang gagawin.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now