•Dhara
Lumipas ang segundo, minuto, oras, araw, linggo, at buwan ng napakabilis. Hindi ko na masyadong napansin kasi masyado'ng naging busy ang lahat. May napapansin man akong kakaiba ay hinahayaan ko nalang.
Going strong parin naman kami ni Nixon, kami ng mga kaibigan ko at kaoag sinabing kaibigan, kasama na doon ang mga lakaking hindi ko inaakala'ng mag iiwan ng puwang sa puso ko.
Bumalik na rin sa maayos at normal ang pamilya ko, si Lance naging mabait na ulit. Si ate Shannel nasa bahay nila, si kuya Shawn naman, maayos na... Nagka amnesia siya... Pero temporary lang dahil mga apat o isang linggo lang siya'ng nakalimot at naalala niya naman kami. Maliban nalang sa aksidenteng natamo niya noong nakaraang apat na buwan.
November na ngayon at kasalukuyan kaming nasa festival namin ngayon dito sa school. Ito na rin ang magiging huling araw namin dahil may dalawang linggo kaming semestral break. Magkakatabi kaming babae at nasa likuran namin ang mga lakaki.
About sa status ni Theo, on-going ang pangungulit niya kay Belle, pero minsan ay may kakaiba din sa kanila. Hindi naman kumikibo o nagrere-act si Achi tungkol dun kaya wala'ng problema. Hinahayaan nalang namin sila Theo at Belle na dumiskarte sa sarili nila.
Kami naman ni Seven, maayos naman kami. Nabalik na ang dati naming pagtatrato sa isa't isa. Gusto na nga rin ni Nixon magtransfer sa NVIS kaso hindi pwede kasi graduating student na siya, pati kami. Tsaka maayos na rin sila ni Seven, hindi ko lang talaga alam ang totoong dahilan kung bakit sila nagkaganyan kasi ayaw ko na ulit magka problema. Though alam kong marami pa akong haharapi'ng problema.
Napangiti nalang ako sa naalala ko. Kung saan kaming lahat nagsimula. Kung ano ano ang mga pinag daanan namin, pero heto, napaka solido namin.
"Okay students! So, see you all at November 20! NVIS will miss all you!" Announce ng emcee kaya napuno ng tawanan, iba naman iyakan. Ang oa, parang dalawang linggo lang naman, hindi pa nga namin graduation pero kung makapag react tong mga to, akala mo naman. Hay nako.
"Pa'no ba yan? Mamimiss tayo nong panot nating guard na akala mo may ari ng school." Banat ni Duke kaya natawa kaming lahat.
"Kelan nga pala tayo pupunta sa-- teka ano nga yun?" Tanong ni Seven at tumingin sa'kin.
"Sa Sr. El Camino Grandia." Sagot ko at tumango naman siya.
"Oo yun, kelan? Ayo'ko nama'ng mabulok ako sa bahay." Sabi pa niya kaya natawa ako ng bahagya, bahagya lang naman.
"Isasama ko si boyfie ah?" Singit ko kaya napatingin sila lahat sa'kin ng seryoso. Ugh! Ito na naman sila.
"Pag outing ng barkada, barkada lang, walang samahan ng jowa, malulugi kami eh." Sabi ni Denise kaya kaagad namang nagsi agree ang mga single kuno.
"Like duh? Meron tayong sweetheart duo, dito oh. May Achilles din tsaka Amberina. Malapit na ring magkaroon ng Reobelle at Theodore noh? Ikaw Denise, si Seven nalang sa'yo." Sabi ko kaya napuno ng tawanan ang pwesto namin.
"No way! Sige na, dalhin mo na ang jowa mo." Sabi niya at tumalikod sa amin.
Nagsibalikan na kami sa room namin at kinuha na ang mga gamit namin. Pumunta kami sa parking lot at tsaka na naghiwa hiwalay. Nagkasundo kasi kami'ng mga babae na magkakaroon kami ng slumber party sa bahay nila Raven. Overnight lang ganon. Tsaka ganon din ang nga lakaki, syempre kasama na dun si Nixon.
Ngayon ay dadaan muna kami saglit sa bahay kasi kukunin ko pa ang damit ko, pagkarating doon ay nagulat ako kasi nandoon ang sasakyan nila kuya Harper at nila kuya Shawn. Ano kayang ginagawa nila dito?

YOU ARE READING
The Forbidden Love
Ngẫu nhiên"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...