-Childhood-
Kakadating ko palang dito sa kwarto, galing kasi ako sa restaurant. Wala akong balitang nasagap kay Raven mula pa noong Thursday last week. Sabado ngayon at wala pa akong kasama dito maliban sa isang katulong. Pati na rin kay Amber wala akong nakuhang balita.
May narinig akong sasakyan na huminto sa kabilang bahay. May tao na pala dito? Matagal ng walang tumitira dito sa kabilang bahay.
May bumaba sa sasakyan na binata, nakatalikod ito at naka simpleng attire lamang. Pumasok ito sa gate nila at dumiretso lang sa loob.
Huh? May tao talaga dito? Nagbantay lang ako hanggang sa lumabas ulit yung lalaking yun, bumukas ang pintuan nila at kinakabahan akong inaabangan abg lalabas.
Lumabas naman dito ang isang matandang babae, parang siya yung naglinis ng bahay nila bago ito lipatan. Sinasamahan naman nung lalaki yung matandang babae palabas sa gate.
Nung makaalis na yung matanda at nagtaka namam ako dahil napatingin sa gawi ko yung lalaki, nagtama ang paningin namin kaya nagtago ako.
Sinilip ko kung nandun pa siya at nakita ko siyang nakingiti at pumunta sa amin banda. Luh?
Ginagawa mue?
~
"Dhara, may naghahanap pala sayo." Sabi ni manang at pumasok sa kwarto ko. Ngiting ngiti siya habang sinasalubong ako.
Nagtataka akong binalingan siya ng tingin at linapitan siya.
"Po? Sino?" Tanong ko at sabay kaming bumaba at pinuntahan ang naghahanap daw sakin.
"Hey Dhara." He said and flashed his sweet smile. Uh? Do I know you mister? Charot lang.
"Hey mister...?"
"Aray naman, masakit yun ah. Hindi mo na ako naalala?" Sabi niya at naupo sa sofa, wow feel na feel niya.
"Uhm, seryoso. Who are you?" He smiled then look away.
"As expected. I know na it's been a long year since we'd last met, so ako nga pala si Elliot Casper Ramirez. I'm your friend since we were kids." Ah okay.
Napatango tango lang ako dahil hindi naman ako maka relate sa mga pinagsasasabi niya.
"Anyways, what shoul I call you?" Tanong ko na ikinataka niya.
"Hindi mo na talaga ako naaalala?" There's a hint of disappointment in his voice but he still manage to smile.
"Sorry Elliot pero hindi talaga. Kasi kung naaalala man kita, malamang siguro ngayon nagkukulitan na tayo." Sabi ko at napatawa ng bahagya.
"Oh, sana nga maibalik pa natin yung nakaraan, well anyways, let's make another memories?" Nagtataka man ako sa inaasta nitong lalaking kapitbahay namin ay tumango parin ako.
"Nga pala, gusto mo ng maiinom? Makain?" Tanong ko at naupo sa harap niya, umiling siya at tumayo.
"Tara, laro tayo ng basketball. Mahilig ka nun diba?" Nagtataka ako kung pano niya nalaman na mahilig ako dun pero sumama parin ako.
Nakalimutan ko nang magpaalam sa katulong pero hayaan na. Sumama lang ako ng sumama sa kanya hanggang sa makarating kami sa centro.
Napatingin samin ang ibang tao lalo na ang mga kababaihan na halatang interesado kay mister Elliot. Masyadong mahaba ang name niya, baka pwedeng mag isip muna ng nickname?
Yung dapat ako lang ang tatawag sa kanya, hindi naman sa ako lang pero syempre ako lang dapat talaga dahil ako ang naka isip eh diba? Ako yung naghihirap kakaisip nung itatawag sa kanya tapos may tatawag din sa kanya ng ganun? Abah hindi patas yun.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Sonstiges"The biggest battle is between what you know and what you feel. While the worst part on giving up is, you have to even if you don't want to. And there's a big difference between giving up and you know you have done enough." "Tinatanong niyo kung bak...